in

Booking ng mga magpapabakuna, tumaas ng 15% hanggang 200%

Dalampu’t apat na oras matapos ang anunsyo ng pagiging mandatory ng Green Pass sa August 6, ay ramdam ang mabilis na epekto ng mga salita ni Premier Draghi. Tumaas ng 15% hanggang 200% ang booking ng mga magpapabakuna sa bansa.

Ang Green pass ay hindi isang desisyon. Ito ay isang kundisyon upang mapanatiling bukas at buhay ang ekonomiya. Ang panawagang huwag magpabakuna ay isang panawagang mamatay” 

Draghi effect, anila, ang halos matripleng biglang pagdami ng mga nagpa-book ng bakuna sa ilang rehiyon sa bansa – Lazio, Veneto, Lombardia, Piemnote, Toscana, Emila Romagna, Abruzzo, Puglia, Sicilia. 

Ngayong araw ay nagtala ng isang pagtaas sa booking ng mga magpapabakuna, mula 15% hanggang 200%. Sa Friuli Venezia Giulia ay nagtala ng pagtaas ng 6,000%”, ayon kay Emergency Commissioner Francesco Figliuolo. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

State of Emergency ng Italya, extended. Narito ang nilalaman ng bagong Decreto

Walang SPID? Narito kung paano magkaroon ng Green Pass