Nagpulong ang Konseho ng mga Ministro kagabi, November 21. Sa nasabing pagpupulong, inaprubahan ng Consiglio dei Ministri (CDM) ang Budget bill 2023, gayundin ang multi-year budget para sa tatlong taon 2023-2025 at ang updated Draft Budgetary Plan (DPB). Ang kabuuang halaga ng mga panukalang nakapaloob sa ‘manovra’ na inilahad ni Premier Meloni ay nagkakahalaga ng 35 billion euros. Ito ay mababasa sa Official Gazette ng CDM.
Narito ang nilalaman ng Budget Bill 2023 ni Premier Meloni
Family Social bonus package – Para sa mga pamilya na higit na nangangailangan, ang mekanismo na magpapahintulot na makatanggap ng social bonus para sa mga bills ay kumpirmado. Pinataas din sa ISEE mula €12,000 hanggang € 15,000.
Pagtatanggal sa Tax wedge – Tatanggalin ang tax wedge hanggang 3% para sa mga empleyadong mababa ang kita. Mayroon ding 2% tax exemption para sa mga kita hanggang €35,000 at 3% para sa mga kita hanggang €20,000. Ang pagbabawas ng wedge ay kapakinabangan para sa mga manggagawa at ito ay nagkakahalaga ng € 4.185 billion.
Quota 103 – Isang bagong pension advance scheme ang ilulunsad sa 2023 na magpapahintulot magretiro ang may 41 taong kontribusyon at edad na 62 anyos. Para sa mga magpapasya na manatili sa trabaho, ay mayroong 10% na bawas sa kontribusyon.
Opzione donna – Pinalawig para sa 2023 ang Opzione donna, ito ang pagkalkula ng kontribusyon na nagpapahintulot sa mga babaeng manggagawa na magkaroon ng higit na kakaunting requirements para sa pensyon. Gayunpaman, may mga pagbabago: ang mga magreretiro sa edad na 58 na may dalawa o higit pang mga anak, 59 anyos na may isang anak, o 60 anyos at iba pang mga kaso. Kumpirmado rin ang Ape sociale.
Reddito di Cittadinanza – Mula January 1, 2023, ang mga taong nasa edad mula 18 hanggang 59 taong gulang (may kakayahang makapagtrabaho at walang miyembro ng pamilya na may kapansanan, na menor de edad o dependent na may edad mula 60 anyos) ay bibigyan ng RdC hanggang sa maximum na 7/8 buwan lamang, sa halip na 18 buwan at renewable tulad sa kasalukuyan.
Reddito di Cittadinanza2 – Nasasaad ang panahong hindi bababa sa anim na buwan na partesipasyon sa isang professional formation o professional riqualification. Ang kawalan ng partesipasyon ay pagtatanggal sa benepisyo. At tatanggalin din sakaling tanggihan ang unang job offer. Mula 2024 ang RdC ay papalitan ng bagong reporma.
Laban sa inflation – Pagbabawas ng VAT mula 10-15% para sa mga produkto ng mga newborns at intimate hygiene ng mga babae. Walang discount para sa tinapay at pasta.
Samantala, magkakaroon ng “Carta Risparmio Spesa” para sa mga mababa ang kita hanggang €15,000, na pamamahalaan ng mga Comune bilang panggastos ng mga pangunahing pangangailangan. Ang budget ay nagkakahalaga ng 500 million euros.
Assegno Unico – Para sa 2023 ang assegno unico ay tataas ng 50% para sa unang taon, at ng karagdagang 50% para sa mga pamilyang mayroong 3 o higit pang mga bata. Kumpirmado ang allowance para sa may mga kapansanan.
Tregua fiscale at cash limit – Kanselasyon ng mga ‘cartelle’ hanggang 2015 na may halagang mas mababa sa €1,000. Installment payment para sa mga hindi nabayaran hanggang 2022 nang walang karagdagang parusa at interes para sa mga hindi nagkapag bayad ng buwis dahil sa covid emergency, caro bollette at krisis sa ekonomiya.
Mula January 1, 2023 ang limitasyon para sa paggamit ng cash ay tataas mula €1,000 hanggang €5,000.
Gayunpaman, ang teksto ng Budget bill 2023 ay dapat munang aprubahan ng Parliament – Kamara at Senado. Pagkatapos ang EU Commission ay magbibigay ng opinyon matapos itong ipadala sa Brussels hanggang November 30. Kapag nai-angkop na ang mga indikasyon mula sa EU, ang panukala ay kailangang sumailalim sa final approval ng Parliament bago ang December 31, 2022. (PGA)