Narito ang modus operandi ng budol-budol at mga dapat gawin upang makaiwas dito.
Patuloy ang krisis sa bansa at apektado nito ang lahat ng nainirahan sa Italya: underemployment o unemployment, pagtaas ng way of life at samakatwid pagtaas ng bilihin at pagdami ng gastusin.
Hindi na rin lingid sa ating kaalaman ang modus operandi ng mga manloloko at magnanakaw. Patuloy ang pagdami ng mga mandurukot sa mga public transportation at patindi ng patindi ang kumakalat na balita ng budol-budol, ang terminolohiyang ginagamit sa Pilipinas upang tukuyin ang uri ng panloloko gamit umano ang hipnotismo.
Oo kabayan, Italya ang aming tinutukoy at hindi Pilipinas. Ito ay laman ng usapin sa mga umpukan, fermata ng bus at pati na rin sa mga filipino communities.
Madalas na itong mapabalita sa social network at sa katunayan, ang Ako ay Pilipino ay naglathala na rin noong nakaraang taon ng ilang episodyo nito kung saan nabiktima ang ating mga kababayan sa Roma, Milano at ngayon ay umabot na rin sa Florence.
Ayon sa mga biktima, madalas ay di nila umano alam ang kanilang ginawa. Bigla na lang sumunod sa ipinag-uutos ng kausap, isinama sa kanilang apartment at ibinigay ang pera o mahahalagang gamit pati na rin pagkain. Kaya para sa karamihan, ang mga budol budol gang ay gumagamit ng hypnotism.
Narito ang modus operandi ng budol budol:
- Humihingi ng tulong o simpleng nakikipag-kwentuhan lamang. Sa kasamaang-palad, ito ang karaniwang modus ng mga nangbibiktima. Nagpapanggap na nangangailanagn ng tulong o simpleng nakikipag-kwentuhan lamang.
- Nagpapain ng malaking pera, pagkapanalo umano sa isang lottery o nag-aalok ng isang magandang trabaho . Ito ay karaniwang ginagawa ng ibang lahi upang makuha ang atensyon ng mga Pilipino hanggang sa dalhin ang kausap sa sariling apartment at ibigay lahat ng hinihingi nito.
- Nag-aaya sa bar para mag-kape o anumang inumin.
- Mayroon ding nag-aayang manalangin.
Narito ang dapat gawin upang makaiwas sa budol budol:
- Dapat maging mas alerto. Ayon sa mga eksperto, 90-95 percent umano ang success rate ng mga budol budol, ibig sabihin, pag nakausap ka na nila, malaki ang chance na mabiktima ka nila.
- Huwag masilaw sa pera o sa easy money. Aba, medyo mahirap ito lalo na sa mga dumadaan sa kagipitan, pero ibayong pag-ijngat po kabayan. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon kahit sa kapwa natin Pinoy.
- Awareness protects. Knowing the potential risk, pairalin ang presence of mind. Huwag mag-panic kapag natuklasang nais kang biktimahin ng kausap.
- Never talk to strangers and never trust them. Huwag intindihin ang taong kumakausap at lalong huwag tingnan sa mata, lumayo at pumunta sa lugar na maraming tao.
- Huwag tatanggap ng kahit na ano (kahit maliit na nilukot na papel) mula sa mga estranghero. Malimit na dito nagsisimula ang pambibiktima ng mga budol-budol.
- Magsuplong sa awtoridad.
Likas sa ating mga Pilipino ang matulungin at pagkamaunawain. Marami pa sa atin ang may ganitong katangian lalo na’t tayo ay nasa ibang bansa. Kaya lang, sinasamantala naman ito ng mga masasama ang loob.
“Ine-exploit nila ‘yung likas na pagiging mapagtiwala ng mga kababayan natin. Confidence game ‘yan eh at mapapaniwala nila ang kanilang mga prospective victims,” ayon sa isang hypnotism expert sa Pilipinas kung saan talamak ang budol budol gang.
Ayon pa dito, karaniwang napagkakamalan umano ng biktima ang “pambobola” bilang hipnotismo.
Gayunpaman, hindi nito ikinakaila ang posibleng pagamit nga sa hypnotism techniques para makapag-nakaw.
“Ang budol-budol kumbaga ay ang masamang hypnosis. Ang hypnosis, may process, kailangan makuha ang atensyon ng isang tao. At dahil sobrang tutok ka, hindi ka na nag-iisip na, ‘Uy! Baka peke to ah,” dagdag pa ng eksperto.
Ngunit ayon naman sa isang propesor, ang budol budol umano ay “feed on greed”
“Kaya ang ilan ay nahuhulog kasi nagkakainteres eh – greedy. Kung hindi ka magkakainteres sa pera, hindi ka mata-trap diyan,” ayon pa dito.
Marami-rami na rin ang nabiktimang Pinoy ng budol-budol sa mga pangunahing lungsod sa Italya. Bagaman karamihan sa kanila ay nagdadalawang-isip kung magsusuplong sa awtoridad o hindi, naniniwala po ang ating pahayagan na dapat i-report ang lahat ng ganitong uri ng panloloko. Dahil kung lahat ng biktima ay magtutungo sa Questura at gagawa ng denuncia, statistically speaking ay lalabas ang significant numbers ng mga biktima. Hypnotism man ang gamit o hindi, husay man sa pagkukunwari o hindi, ang bilang ng mga biktima ay magiging sapat na dahilan upang paniwalaan ang bagong uri ng modus operandi sa Italya.
Basahin rin:
Ilang Pilipino, biktima ng “budol-budol” sa FirenzeIlang
Pinoy sa Milan, nabiktima gamit ang hipnotismo
PGA