in

Buong Italya, zona gialla na simula May 24

Buong Italya, zona gialla na simula May 24

Lahat ng mga Rehiyon at mga Autonomous Provinces, samakatwid, ang buong Italya ay magiging zona gialla simula May 24.

Isang bagong ordinansa ang pipirmhan ni Health Minister Roberto Speranza na magkakaroon ng bisa simula sa Lunes, May 24. 

Ang desisyon ay batay sa weekly report ukol sa sitwasyon ng Covid sa bansa, na pinag-aaralan ng control room.

Ayon sa unang inilathala ng akoaypilipino.eu, ang lahat ng mga Rehiyon at mga Autonomous provinces ay itinuturing na nasa low risk na at ang average Rt index ay mas mababa na kaysa sa 1 sa lahat ng rehiyon. 

Kaugnay nito, nalalapit na din ang inaasahang pagiging zona bianca ng unang tatlong rehiyon simula June 1: ang mga rehiyon ng Friuli Veneza Giulia, Molise at Sardegna. Sa June 7 naman ay pati ang mga rehiyon ng Abruzzo, Veneto at Liguria. Ito ay kung magpapatuloy ang mga datos ng hawak ng cabina di regia at hindi na magkakaroon ng paglala.

Sa zona bianca tanging social distancing at pagsusuot ng mask lamang ang ipatutupad na restriksyon. Lahat ng ibang restriksyon ay tinatanggal sa zona bianca. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 3]

Rt index sa Italya, patuloy ang pagbaba

Unemployment benefit sa Italya, patuloy bang matatanggap sa pagpunta sa ibang bansa?