in

Buoni Spesa 2021, nagbabalik!

Buoni Spesa 2021, nagbabalik!

Ang Buoni Spesa 2021 ay nagbabalik sa Roma, Bologna, Torino at Napoli. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga lungsod kung saan maaaring makapag-aplay ng buoni spesa. Narito kung paano. 

Ang natitirang pondo ng Decreto Ristori Ter para sa buoni spesa ay muling inilalaan sa nagbabalik na buoni spesa 2021. Sa katunayan, mula North hanggang South Italy ay muling binuksan ang bando o public announcement, partikular sa mga pangunahing lungsod tulad ng Roma, Torino, Bologna at Napoli. 

Nakalaan ang 400 milyong euros sa mga Comuni na dapat ipamahagi bilang buoni spesa. Ang halaga ng pondo kada Comune ay batay sa bilang ng mga residente at sa poverty index nito.

Ang regulasyon mula sa gobyerno ay simple lamang. Ang maximum amount nito ay € 700. At hindi maaaring ibigay ng direkta sa mga mamamayan ang pera, bagkus lahat ay dapat dumaan sa voucher – papel o electronic – na magagamit pambili sa mga commercial activities na bahagi ng inisyatiba. 

Samantala, ang buong proseso – mula sa nilalaman ng bando, aplikasyon at requirements hanggang sa pagbibigay ng buoni spesa sa mga benepisyaryo nito ay itatalaga ng bawat Comune. Gayunpaman, ang batayan na karaniwang ginagamit ay ang: ISEE, ang residenza sa Comune kung saan gagawin ang aplikasyon, real estates at movable assets. 

Ang mga Comune ay obligadong maglabas ng public announcement ukol dito at kung kailan magsisimula, pati ang deadline nang aplikasyon nito.

Ipinapayong bisitahin ang official website ng Comune kung saan residente upang malaman kung may bando ng buoni spesa 2021 dito. 

Maaari ring magtungo sa pinakamalapit na Caf kung saan maaaring magtanong at makakuha ng mga impormasyon. 

Buoni spesa 2021 – Torino

Ang proseso ng Comune di Torino sa pagtanggap ng buoni spesa ay online at ito ay maaaring gawin hanggang March 31, 2021. Sa pamamagitan ng anunsyo sa website ng Comune di Torino, ay makikita ang lahat ng impormasyon ukol dito. 

Ang maximum na halaga ng buoni spesa ay € 360,00 at ito ay matatanggap sa loob ng 3 buwan. Ang halaga ay batay sa bilang ng mga miyembro ng pamilya. 

Ang buoni spesa ng Torino ay nakalaan lamang sa mga nawalan ng trabaho at kasalukuyang may pinansyal na pangangailangan. Hindi ito matatanggap ng pamilya kung saan ang isa sa mga miyembro nito ay nagta-trabaho bilang public employee.

Ang aplikasyon ay maaaring gawin esklusibong online. Ang Comune ay magpapadala ng sms sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng numero ng aplikasyon at pin code. Gamit ang dalawang nabanggit ay maaaring i-download ang e-voucher na nagkakahalaga ng € 20 kada isa. 

Buoni Spesa 2021, nagbabalik!

Buoni spesa 2021 – Roma 

Hanggang June 15, 2021 ang mga residente sa Roma ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa buoni spesa 2021. Sa pamamagitan ng anunsyo sa website ng Comune di Roma, ay makikita ang lahat ng impormasyon ukol dito. 

Ang aplikasyon ay maaaring isumite sa mga authorized CAF, at ang buoni spesa ay matatanggap sa pamamagitan ng isang PostePay na ipapadala direkta sa home address ng aplikante. Ang halaga nito ay mula € 200 hanggang € 600, na batay sa bilang ng mga miyembro ng pamilya

  • 1 miyembro – € 200,00,
  • 2 miyembro – € 300,00,
  • 3 miyembro – € 400,00,
  • 4 miyembro – € 500,00,
  • 5 o higit pang miyembro – € 600,00

Isa sa mga requirements ang ISEE na hindi lalampas sa €8,000.

Buoni spesa 2021 – Bologna 

Ang mga residente sa Bologna na mapapatunayan na walang € 10,000 o higit pa sa kanilang bank account ay maaaring mag-aplay ng buoni spesa. Sa pamamagitan ng anunsyo sa website ng Comune di Bologna, ay makikita ang lahat ng impormasyon ukol dito. 

Ang voucher ay nagkakahalaga ng € 25,00 bawat isa at ang maximum na halaga nito ay € 600,00 batay sa bilang ng miyembro ng pamilya:

  • 1 miyembro – € 150,00,
  • 2 miyembro – € 250,00,
  • 3 miyembro – € 350,00,
  • 4 miyembro – € 400,00,
  • 5 miyembro – € 500,00,
  • 6 o higit pang miyembro – € 600,00.

Ang aplikasyon, gamit ang angkop na form, ay kailangang isumite ng personal sa Comune. Ipinapaalala ang tumawag muna para sa appointment. Mahigpit na ipinatutupad ang appointment basis.  

Ang voucher ay maaaring i-download sa pamamagitan ng app Bologna Welfare.

Buoni spesa 2021 – Napoli

Ang Comune di Napoli ay nagbibigay na ng buoni spesa, sa mga nakatanggap na ang benepisyo noong nakaraang taon. Tinatayang nagkakahalaga ng 2 million euros ang mga buoni spesa sa panahon ng Pasqua. 

Sa pagbibigay ng buoni spesa ay may binibigyan ng priyoridad ang hindi tumatanggap ng reddito di cittadinanza. Ang halaga ng buoni spesa ay batay sa bilang ng mga miyembro ng pamilya.

  • 1 miyembro – € 50,00
  • 2 hanggang 4 na miyembro – € 100,00,
  • Higit sa 4 na miyembro – € 150,00.

(PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Renewal ng permesso di soggiorno per motivi familiari, anu-ano ang mga dokumentong kailangan?

Italian citizenship Ako ay Pilipino

Magiging Italian citizen din ba ang magulang kung Italyano ang anak?