in

Buwis sa unang bahay o IMU, isang bagong pabigat sa pamilya

Ang IMU ay makakaapekto sa lahat ng mga nagmamay-ari ng bahay sa Italya, ngunit magkakaiba sa bawat Munisipyo. Mas magiging mabigat sa mga naninirahan sa Roma: kung walang carried minors, ay aabutin ng halos 200 euros kada taon.

altRoma, Marso 26, 2012 – Ang sinumang nagtutungo sa Italya para sa mas magandang kapalaran at makapag pundar ng sariling tahanan  ay masasabing malayo na ang narating. Ngunit, maging handa sa ilang di kaaya-ayang mga balita, dahil sa bahay na naipundar, simula ngayong taong ito ay magbabayad ng buwis na makakapagpabigat sa bulsa ninuman. 

Ang dekreto “Save Italy” na inilunsad ng pamahalaan upang ayusin ang kaban ng bansa, ay nagbigay daan sa tinatawag na IMU o Imposta Municipale Unica sugli immobili. Ito ay para sa mga unahing bahay (na para sa karamihan ng mga may-ari ay maituturing din na nag-iisang bahay) ay katumbas sa 0.4% ng tinatawag na “rendita catastale” o ng land registry value, na makikita sa Deed of Sale, na revalued ng 5% at minultiply sa 160.

Ang bawat munisipyo ay pinahihintulutan ding taasan ng 0.4% hanggang 0.6% bilang pandagdag pondo ng munisipyo dahil sa ginawang costs cutting sa nakaraan. Pinahihintulutan gayunpaman ang lahat ng nagmamay-ari sa isang deduction ng 200 euro, samakatwid, kung ang kalkula ng IMU ay 300 euro, ay 100 euro lamang ang babayaran. Karagdagang 50 euro sa bawat carried minors na may edad na mas mababa sa 27.

Ang labor union na UIL ay gumawa ng ilang kalkulasyon, isang pagtantya na ang bagong buwis sa mga unang bahay ng isang pamilya na walang minors ay katumbas ng 133 euros.  Ngunit ang sitwasyon ay magkakaiba sa bawat lungsod ng bansa, tulad ng ipinapakita sa isang table sa ibaba, sa dalawampu’t isang lungsod batay sa isang 90 sq meters na tahanan, ng isang intermediate na antas, sa isang sentral na lugar.

Ang bagong pabigat na ito ay mas higit sa Roma, kung saan ay maaaring umabot ang bayarin sa isang average ng 411,47 euro at tataas sa 511,47 euro kung walang carried minors at 311,47 para sa mayroong 4 na carried minors. Halos pareho ang sitwasyon sa Milan, kung saan may isang average ng 376,77 euro, magiging 476,77 euro kung walang carried minors at 276,77 euro para sa pamilyang mayroong 4 na carried minors.  Mabigat din ang bagong buwis sa Bologna, na may average na 359.41 € hanggang 459.41 € kung walang carried minors, at nagiging  259,41 euro para sa isang pamilya na may 4 na carried minors.

Mayroong natatanging konsulasyon. Ang IMU ay babayaran ng installment. Ang una ay hanggang sa Hunyo 16, ang pangalawang ay hanggang Disyembre 16.

 

IMU

City

Walang carried minors

1 carried minor

2 carried minors

3 varried minors

4 carried minors

AOSTA

242,51

192,51

142,51

92,51

42,51

TORINO

194,79

144,79

94,79

44,79

0

GENOVA

212,13

162,13

112,13

62,13

12,13

MILANO

476,77

426,77

376,77

326,77

276,77

BOLZANO

289,95

239,95

189,95

139,95

89,95

TRENTO

271,14

221,14

171,14

121,14

71,14

VENEZIA

147,15

97,15

47,15

0

0

TRIESTE

242,51

192,51

142,51

92,51

42,51

BOLOGNA

459,41

409,41

359,41

309,41

259,41

ANCONA

99,35

49,35

0

0

0

FIRENZE

337,94

287,94

237,94

187,94

137,94

PERUGIA

12,58

0

0

0

0

ROMA

511,47

461,47

411,47

361,47

311,47

L’AQUILA

45,99

0

0

0

0

NAPOLI

242,51

192,51

142,51

92,51

42,51

CAMPOBASSO

62,73

12,73

0

0

0

BARI

216,48

166,48

116,48

66,48

16,48

POTENZA

55,97

5,97

0

0

0

CATANZARO

32,12

0

0

0

0

PALERMO

99,35

49,35

0

0

0

CAGLIARI

30,37

0

0

0

0

ELABORAZIONE UIL SU DATI AGENZIA DEL TERRITORIO E SITI INTERNET DEI COMUNI

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Volunteers, umpisa na ng registration bilang beneficiary ng 5 per 1000

More than 60,000 troop to Stramilano, Pinoys included