in

Cambio di Residenza, maaari nang gawin online

Simula bukas, February 1, 2022, ay posible nang gawin ang ‘cambio di residenza’ online. 

Ayon sa isang joint press release ng Ministry for Technological Innovation at Digital Transition, Ministry of Interior at Sogei (ang technological partner ng economic-financial administration), mayroong tatlumpung Comune o Munisipalidad sa Italya, sa kasalukuyan, ang posibleng gawin ang serbisyo online sa pagpapalit ng tirahan o address. Makalipas ang dalawang buwan ng first phase nito, ang serbisyo ay unti-unting papalawigin sa lahat ng Comune sa bansa. 

Simula noong nakaraang January 18, ang lahat ng mga Comune ng Italya ay nasa Anagrafe Nazionale Online kung saan ang 67 milyong residente sa bansa ay nasa digital database na. Ang bagong nabanggit na serbisyo ay magpapahintulot sa mga mamamayang nakarehistro sa ANPR (Anagrafe Nazionale della Popolazione Residente) na baguhin ang kanilang address sa paglipat mula sa anumang munisipalidad, o mula sa ibang bansa para sa mga mamamayang Italyano na nakarehistro sa AIRE (Registry of Italians Resident Abroad) sa isa sa 30 munisipalidad.

Ang mga Comune na kabilang sa first phase ay ang mga sumusunod: Alessandria, Altamura, Bagnacavallo, Bari, Bergamo, Bologna, Brescia, Carbonia, Castel San Pietro Terme, Cesena, Cuneo, Firenze, Forlì, Laives, Latina, Lecco, Lierna, Livorno, Oristano, Pesaro, Potenza, Prato, Rosignano Marittimo, San Lazzaro di Savena, San Severino Marche, Teramo, Trani, Treia, Trento, Valsamoggia, Venezia.

Ipinapaalala na simula noong nakaraang November 15, 2021, ay maaaring i-download ang 14 na uri ng certificate online ng libre. 

Bukod dito, ang lahat ng mga residente ng 7,903 Comune ng bansa at ang mga nakatala sa AIRE ay maaaring suriin at hingin ang anumang pagtatama kung kinakailangan sa Anagrafe online. 

Paano? 

Mag-log in sa website ng ANPR sa www.anagrafenazionale.interno.it sa pamamagitan ng 

  • SPID o 
  • CIE o carta d’identità elettrica o 
  • CNS o carta nazionale dei servizi. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

54 anyos na Pinoy, natagpuang patay sa kanyang kwarto sa Lecce

EU Green Pass, balido ng 9 na buwan