in

CANONE RAI, DAPAT BAYARAN!

Sa katapusan ng Enero ay dapat magbayad ng “buwis sa Rai” (canone Rai) isang buwis para sa lahat ng nagmamay-ari ng telebisyon, kahit hindi ito ginagamit o hindi pinapanood ang channel ng Rai, ang pampublikong telebisyon sa Italya. Ang bayad sa taong ito ay 110,50 €, na madadagdagan ng interes kung babayaran ng installment o ng late.

Isang fee lamang ang sumasakop sa lahat ng mga telebisyon sa isang tahanan, kahit na ang mga ito ay pag aari ng ibang miyembro ng pamilya. Karagdagang impormasyon sa www.abbonamenti.rai.it website.

Ang nasabing fee ay matagal ng kontrobersiya. Ang buwis na ito ay syang pondo ng telebisyon, na kumikita din sa mga advertising na hindi naman laging nag bo broadcasts ng mga programang ayon sa institutional function nito. Ang mga programa ay mas katulad ng mga pribadong TV, libre o may bayad, at kadalasan ay mababa ang kalidad. Ito ang dahilan marahil kung bakit ito ay pinaka evaded na buwis sa Italya.

Sa sinumang hindi magbayad ay maaaring pagmultahin ng € 500.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAGTAAS NG PRESYO, SALUBONG SA BAGONG TAON!

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA DIRECT HIRE 2011