Limang taon na akong naninirahan sa Italya, gusto kong mag-aplay ng carta di soggiorno. Totoo ba na kailangan ko ng sapat na income?
Roma – July 13, 2010 – Totoo ba na kung mag-aaplay ako ng carta di soggiorno (permesso di soggiorno CE per soggiornanti di lungo periodo) kailangang ko ang sapat na income na hindi bababa sa minimum income na katumbas ng social allowance (assegno sociale)?
Mas mataas ang income ng isang dayuhang mag-aaplay ng carta di soggiorno para sa miyembro ng pamilya (carico): ang taunang income ay tumaas ng kalahati bawat isang kasapi. Doble ang halagang dapat kitain ng aplikante at hindi dapat bababa assegno sociale annuo.
Upang umabot sa inaasahang sapat na income, maaaring pagsamahin ang kabuuang income ng aplikante at kapamilyang naninirahan sa iisang bahay.
Sa taong 2010 ang halaga ng assegno sociale ay isang manggagawa ay € 5.349,89 euro, kung nag-aplay ng carta di soggiorno (resident card) para sa iyo lamang, ang taunang kita ay hindi dapat bababa sa € 5.349,89, kung may carried na isang kasapi ng pamilya, ang dapat na income ay € 8.024,83, samantala kung dalawa ang carried na kapamilya (anak na may edad ay 14), ang annual income ay umaabot sa € 10.699,78 at kung tatlo naman ang carried sa soggiorno, dapat kumita ng a € 13.374,72 at kung apat na miyembro, ang halaga ng annual income ay € 16.049.
Ang halagang nabanggit ay ginagamit hindi lamang para sa permesso di soggiorno CE, ito’y halagang kailangan kung mag-aaplay ng Ricongiungimento Familiare na itinatag at ipinatupad ng “art.9, comma 1, del Testo Unico Immigrazione, del Decreto Legislativo 286/98”.