Sa kabila ng halos dalawang taon na pagkakaantala, magiging operational na ang Carta Rispamio 2023 na itinalaga ng 2023 Budget Law. Inaasahan din ang paglabas ng implementing decree sa lalong madaling panahon.
Ang Carta Rispamio Spesa 2023 ay isang tulong mula sa gobyerno na nagkakahalaga ng € 382,50 simula sa buwan ng Hulyo. Ito ay nakalaan sa mga pamilyang nakakatugon sa mga requirements, unang una na ang pagkakaroon ng ISEE hanggang €15,000.
Ang Comune ang magbibigay komunikasyon sa mga benepisyaryo ng access sa benepisyo. Ang carta risparmio ay matatanggap nang hindi nagsusumite ng anumang aplikasyon. Sa katunayan, matatanggap ng Comune mula sa Inps ang ISEE ng mga pamilya na kwalipikado sa benepisyo. Magpupunta na lamang ang mga benepisyaryo sa Italian Post office para kunin ang prepaid card na naglalaman ng €382,50.
Gayunpaman, prayoridad na mabigyan nito ang mga pamilya na binubuo ng atleast 3 katao (partikular ang mga menor de edad na ipinanganak mula taong 2005 hanggang 2009), may mababang ISEE, at may senyalasyon mula sa social workers na nangangailangan ng tulong.
Sa kabila ng halos dalawang taon na pagkakaantala, magiging operational na ang Carta Rispamio 2023 na itinalaga ng
Budget Law. Inaasahan din ang paglabas ng implementing decree sa lalong madaling panahon.
Ang Carta Rispamio Spesa 2023 ay nagkakahalaga ng € 382,50 simula sa buwan ng Hulyo. Ito ay nakalaan sa mga pamilyang nakakatugon sa mga requirements, unang una na ang pagkakaroon ng ISEE hanggang €15,000.
Ang Comune ang magbibigay komunikasyon sa mga benepisyaryo ng access sa benepisyo. Ang carta risparmio ay matatanggap nang hindi nagsusumite ng anumang aplikasyon. Sa katunayan, matatanggap ng Comune mula sa Inps ang ISEE ng mga pamilya na kwalipikado sa benepisyo. Magpupunta na lamang ang mga benepisyaryo sa Italian Post office para kunin ang prepaid card.
Gayunpaman, prayoridad na makatanggap nito ang mga pamilya na binubuo ng atleast 3 katao (partikular ang mga menor de edad na ipinanganak mula taong 2005 hanggang 2009), may mababang ISEE, at may senyalasyon mula sa social workers na nangangailangan ng tulong.
Ang 2023 Budget Law ay naglaan ng 500 million euros bilang pondo at ito ay ipamamahagi sa 1.300,000 Postepays na naglalaman ng €382,50 na magagamit sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan.
Hindi makakatanggap ng benepisyo ang mga pamilya na may miyembro na tumatanggap ng mga sumusunod:
- Reddito di Cittadinanza;
- Cassa Integrazione;
- Naspi o Discoll;
- Reddito di Inclusione
- Indennità di Mobilità at anumang uri ng ayuda mula sa gobyerno.
Ang 2023 Budget Law ay naglaan ng 500 million euros bilang pondo at ito ay ipamamahagi sa 1.300,000 Postepays na naglalaman ng €382,50 na magagamit sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan. (PGA)