in

Cassetto Previdenziale del Lavoro Domestico, aktibo na para sa mga employers ng domestic jobs

Bagong serbisyo online ng Inps para sa mga employers ng domestic job at mga job consultants para sa contratto di lavoro, pinagbayaran at babayarang mga kontribusyon at mga duedates.

Simula noong nakaraang Disyembre 29, 2017 ay aktibo na ang tinatawag na “Cassetto Previdenziale del Lavoro Domestico” sa website ng Inps (www.inps.it)

Ito ay inilaan ng Inps para sa mga employers ng domestic jobs at kanilang intermediators o Job consultants.

Ang nabanggit na ‘Cassetto’ ay inaasahang magpapadali sa konsultasyon ng mga datos sa data base ng ahensya dahil sa posibilidad ng direktang access sa mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang buod ng sitwasyon sa social security.

Sa pamamagitan nito ay may posibilidad na masuri at palaging masubaybayan ang sitwasyon sa social security pati na rin ang pinagbayaran at babayarang mga kontribusyon, mga due dates at access sa mga pagbabayad sa pamamagitan ng website.

Sa katunayan, matapos mag-log in sa sekyon ng ‘lavoro domestico’ ay matatagpuan ang ‘Cassetto previdenziale lavoro domestico’. Dito ay makikita ang mga personal na datos ng employer at ang buod ng lahat ng binayarang kontribusyon at lahat ng inempleyo. Ito ay magpapadaling makita ang mga impormasyong kinakailangan online ng mga employer.

Home page sito INPS > prestazioni e servizi > naviga per utente > Aziende, enti e datori di lavoro > Datori di lavoro domestico > PIN e codice fiscale > Cassetto previdenziale LD.

Sa komunikasyon bilang 5182 ng Inps noong Disyembre 28, 2017 ay inilarawan ang mga pamamaraan ng gamit nito. Lakip rin ang manual user para sa Cassetto Previdenziale del Lavoro Domestico.

Sa transition period ay mananatiling aktibo ang lahat ng gamit nito para sa mga employer na mayroon ng access sa ahensya. Sa mga unang buwan ng 2018, ang proseso ay maituturing na two-way communication para magamit rin sa pagkuha ng appointment sa tanggapan.

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

FBAI bowlers nakipagsagupaan sa bowling worldwide tournament sa Pilipinas

Holidays sa Italya at Pilipinas, narito ang mga petsa