Sa komunikasyon bilang 2749 nitong Hulyo 2018, ay inanunsyo ng Inps ang pagpapalawak ng access sa Cassetto Previdenziale ng domestic job. Sa katunayan, bukod sa mga employer, na unang binigyan ng access dito, ay may access na rin ang mga intermediaries tulad ng job consultant, commercialisti at iba pa.
Ang access sa Cassetto Previdenziale ay sa pamamagitan ng website ng Inps, gamit ang user name at password, sa section ng “Aziende, enti e datori di lavoro”, “Datori di lavoro domestico” pagkatapos ay “Prestazioni e Servizi”.
Ang mga intermediaries ay magkakaroon din ng access sa bidirectional communication. Sa madaling salita, sa section ng “Comunicazioni” ay may posibilidad na magkaroon ng komunikasyon sa tanggapan ang mga intermediaries. Ito ay kabilang na sa mga seksyon tulad ng:
- Anagrafica e Rapporti di Lavoro
- Stato Pagamenti
- Informazioni Utili
- Servizi per il lavoro domestico
Basahin rin: Cassetto Previdenziale del Lavoro Domestico, aktibo na para sa mga employers ng domestic jobs