in

Catania, niyanig ng malakas na lindol. Mga Pilipino, maayos ang kalagayan

Isang malakas na lindol ang yumanig sa buong silangang Sicily bandang alas 03.19 ng madaling araw ng Santo Stefano Dec 26, 2018.

Ito ay may magnitude na 4.8 sa richter scale na ang hypocentre ay umaabot lamang 1200 metro ang lalim, kung saan ang epicenter ay sa Pedara, Viagrande, Lavinaio at Aci Sant’Antonio mga probinsiya ng Catania at mga nasa paanan ng Bulkang Etna na isa sa pinaka aktibong bulkan sa Europa.

Sa katunayan ang nasabing lindol ay iniuugnay sa muling pagsabog ng bulkan na nagsimula noong bisperas ng Pasko, Dec 24, 2018.

Ang nasabing lindol ay nagdulot ng maraming pinsala sa iba’t-ibang probinsya ng Catania partikular na sa Trecastagni, Pedara, Zafferana Etnea, Aci Sant’Antonio, Aci Bonaccorsi, Aci Catena, Acireale, Tremestieri Etneo, Lavinaio, Pennisi, Viagrande, Mascalucia, Gravina di Catania, Santa Venerina at Aci Castello.

May ilang mga tahanan ang gumuho na nasa pagitan ng Pennisi at Zafferana Etnea.

Halos 28 katao ang mga nasugatan, samantalang wala namang mga naitalang malala sa mga biktima. Tinatayang aabot sa 600 katao ang mga inilikas dahil nasiraan ng tahanan bukod pa sa mga gusaling napinsala pati na rin ang ilang bahagi ng autostrada ng Giarre at Acireale.

Kabila sa mga naitalang aftershock ang naramdaman bandang alas 14:14 ng hapon kahapon na umabot sa magnitude na 3,0 na ang epicenter ay sa Sant’Alfio na naging sanhi muli ng takot ng mga residente na bumalik sa kani-kanilang mga tahanan, kung kayat sila ay humingi ng tulong sa mga hotels at mga sports center.

Gayunpaman, bagaman nakaramdam ng matinding takot ang mga Pilipinong  residente sa rehiyon ay malaki ang kanilang pasasalamat at walang nabalitaang nasugatan ng nasabing pagyanig.

Natakot kami ng naramdaman namin ang lindol. Ayos naman po kami dito”, ayon kay Ghie Dela Cruz, residente sa Giarre.

Kung mayroon man pong kababayan natin na naapektuhan ng lindol o nangangailangan ng anumang tulong, kami po dito sa Catania ay handang tulumong sa inyo”, ayon kay Leni Pagilagan.

 

Leni Pagilagan

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Edad para sa Assegno Sociale mula Enero 2019, itinaas sa 67 anyos

maswerteng prutas Bagong Taon Ako Ay Pilipino

Narito ang 12 masuwerteng prutas sa pagdiriwang ng Bagong Taon