in

Cecile Kyenge, ang Ministro ng Integrasyon

Siya ang unang babaeng kinatawan ng gobyerno na hindi buhat sa lahing italyano. Siya ay nahalal sa nakaraang eleksyon at kabilang sa listahan ng mga kandidato ni Bersani.

Modena, 27 Apr 2013 – Si Cecile Kyenge, bago sa Parliyamento mula Modena na nahalal sa nakaraang eleksyon. Siya ay itinalaga bilang Ministro ng Integrasyon ng bagong Premier na si Enrico Letta at ng Pangulo ng Republika na si Giorgio Napolitano. Sya ang unang babaeng kinatawang hindi buhat sa lahing italyano, at simula ngayon, ang unang unang ministro. 

May asawa at dalawang anak na babae, ipinanganak sa Kambove sa Democratic Republic of Congo, at sa kasalukuyan ay Italian citizen na. Nahalal bilang deputy noong 25 Pebrero 2013 sa Emilia Romagna. Siya ay tapos ng medisina at nag-specialize sa Ophthalmology. At sa nagyon ay nagsasanay bilang isang ophthalmologist . Noong 2004 siya ay nahalal sa isang distrito ng bayan ng Modena para sa Democratici di Sinistra (DS), at naging provincial head ng International Cooperation and immigration Forum. 
 
Hunyo 7, 2009 nang nahalal bilang provincial councilor sa Modena para sa PD at pagkatapos ay naging bahagi ng welfare committee. Sya ay naging regional head din sa Emilia Romagna sa imigrasyon ng PD. Simula Setyembre 2010 ay naging spokesman ng Rete Primo Marzo na may layuning ipagtanggol ang karapatan ng mga migrante gayun din ang human rights. Sa kasalukuyan ay nakikipag-tulungan sa iba’t ibang entidad at asosasyon sa malawakang tema ng pagkamamamayan. Itinaguyod at pinangunahan ang proyekto ng AFIA para sa pagsasanay ng mga duktor na espesyalista sa Congo sa pakikipagtulungan sa Unibersidad ng Lubumbashi.
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PAALALA UKOL SA OVERSEAS VOTING 2013 SA MILAN

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA KANSER SA BALAT