in

Cei: “Kailangan ang bagong batas sa citizenship”

“Tulungan ang mga batang ipinanganak sa Itaya at bigyan ng karapatang bumoto”

Vatican City, August 23, 2010 – Sa Italya, kinakailangan ang magsagawa ng bagong pamamaraan, unahin ang citizenship para sa hindi kinikilalang minorities tulad ng mga rom. 

Ito ang naging pahayag ni Mons. Giancarlo Perego, general director of Migrantes Foundation sa Cei sa panayam ng Radio Vaticana na kung saan ay nagbigay si Perego ng komento sa expulsion measures ng gobyernong Parigi laban sa mga rom at ang mga binitiwang salita ni Minister of Interior Roberto Maroni na sumang-ayon sa paniniwala ni Presidente Sarkozy.

Ayon pa kay Mons. Perego, kailangan ang bagong pamamaraan na magtatanggol sa mga minorities na hindi kinikilala sa bansa, tulad ng mga rom. Ang pamamaraan sa pagkakaroon ng Italian citizenship lalo’t higit ang mga batang isisilang sa Italya, o mga batang isinilang sa Italya, mabigyan sila Italian citizenship sa oras na sila ay isilang, na magbibigay rin sa mga ito ng pagkakataong bumoto lalo’t higit sa administrative level; dapat magkaroon ng isang batas na totoong tutulong sa mabilisang integrasyon at magkaroon sila ng partisipasyon na may iisang responsibilidad. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga estudyante balik eskwela

Bawal ba ang magpatira sa dayuhang non-documented?