Sa abiso ng mga Munisipyo sa pagpili ng data collector, hindi kasali ang mga dayuhang mula sa bansang di kasapi ng EU. Isang diskriminasyon at kakulangan ng magandang hangarin.
Rome – Sa nalalapit na Autumn ay magsisimula ang isang bagong population census para sa ika-labinlimang ulit sa kasaysayan ng bansa, ang Italya ay bibilangin muli ang lahat ng mga naninirahan dito, Italyano man o dayuhan. Isang mahalagang aksyon na tila hindi maaaring ipagkatiwala sa mga migrante, dahil ang mga ito ay hindi kabilang na maging data collector.
Upang maging handa sa nakatakdang araw, ang mga munisipyo ay nagpalabas ng abiso sa paghahanap at pagpili ng mga data collector, o ang sinumang mag-babahay-bahay upang kunin ang mga questionnaires ng nasabing census, at ang kanilang mga coordinators. Ang mga ito ay bibigyan diumano ng isang uri ng pansamantalang trabaho at kontrato, ngunit sa halos lahat ng parte ng nasabing abiso ay nagtataglay ng pangangailangan sa Italian citizenship o pagiging miyembro ng isa sa mga bansa ng European Union.
Ayon sa ASGI o Associazione Studi giuridici sull’immigrazione, ang abiso ay lumalabag sa “kabuuang prinsipyo ng pantay na pagtingin sa mga dayuhang manggagawa sa bansa” at sa patakaran ng mga bansa sa EU sa pantay na pagtanggap sa trabaho ng mga dayuhang mula sa mga di-kasaping bansa ng EU (mga miyembro ng pamilya ng mga mamamayan ng EU, refugees at mga mayroong dokumentasyon sa pang matagalang social protection ).
“Isang diskriminasyon”, ayon sa ASGI sa isang sulat na ipinadala kahapon sa National Association of different Municipalities, National Bureau of Anti-discrimination at sa European Commission. Inayunan din ito ng Ombudsman ng rehiyon ng Emilia Romagna, ilang araw na ang nakalipas matapos sumulat sa alkalde ng Bologna na inaakusahan ang anunsyo ng Munisipyo ukol sa paghahanap ng mga angkop na data collector. .