in

Census – Sinimulan nà, kabilang pati mga migrante!

Sinimulan na ang Census 2011, upang alamin ang kasalukuyang popolasyon ng bansa. Hanggang ika-20 ng Nobyembre, ang inyong mga  kasagutan sa papel man o sa pamamagitan ng web.

altRome – Saan ka ipinanganak? Gaano katagal ang biyahe para makarating sa trabaho? May air-condition ba ang inyong tahanan? Ang mga ito ay ilan lamang sa mga tanong ng “Pangkalahatang Census ng Populasyon at Pabahay 2011,” na sinimulan ilang araw na ang nakakalipas sa pamamagitan ng National Statistics upang i-update ang kabuuang larawan ng Italya at ang mga naninirahan dito Italyano man o migrante.

Ang census ay ginagawa tuwing ika-sampung taon, na marahil na naranasan nà ng maraming dayuhan noong nakaraang 2001. Ngunit ngayong taong ito ay maraming naging pagbabago. Nabago halimbawa ang pamamahagi ng mga questionnaires na ngayon ay ipinapadala sa pamamagitan ng koreo at hindi na inihahatid sa mga pinto ng bawat tahanan; ngayong taong ito ay hindi lamang sa questionnaire na papel maaari itong sagutan,  nadagdag ang posibilidad na ikumpila ito on line.

Ang sinumang nagnanais na sagutan ang mga questionnaire na papel ay nararapat na i-submit ito mula ika-9 ng Oktubre hanggang ika-20 ng Nobyembre sa isang Post Office o sa isa sa mga tanggapang inilaan ng munisipyo upang tanggapin ang mga questionnaires (o centro raccolta). Sa mga nagnanais na sagutan ang questionnaires on line sa panahong nabanggit, magtungo lamang sa website http://censimentopopolazione.istat.itat i-type ang password na nakasulat sa questionnaire na papel na ipinadala sa inyong tahanan.

Ang mga katanungan ay madadali lamang, ngunit naka-attach pa rin sa bawat questionnaire ang isang guide o isang patnubay, maaari ring tawagan ang toll free number  800.069.701 para sa mga katanungan. Ang  mga tagubilin ay nakasailn rin sa iba’t ibang wika sa website ng census ngunit maaari ring sagutin ang mga katanungan sa mga tanggapang nakalaan para sa census.

Ang pagtugon sa mga katanungan ay isang obligasyon, ayon sa batas  at ang sinumang hindi susunod dito ay maaaring magmulta hanggang sa 2000 € at may multa rin sa mga hindi susunod sa deadline na nabanggit. Magmula Nobyembre 21, isang grupo ng 60,000 operators ang tatakbo sa mga bahay-bahay upang kunin ang mga questionnaires na hindi pa nasa-submit at syang magsisiwalat sa listahan ng mga pamilyang hindi rehistrado sa registry office na hindi nakatanggap ng questionnaire sa koreo.

“Magbigay sagot para sa iyong kinabukasan”, ayon sa isang kampanya ng Census. “Ang inyong pakikiisa ay makakatulong upang malaman ang eksaktong katangian ng ating lipunan at ng teritoryong ating tinutuluyan at upang magbigay indikasyon sa bawat desisyong kinakailangan para sa isang mas maginhawang  kinabukasan ng lahat” ayon kay Enrico Giovannini, ang Pangulo ng ISTAT.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

2% remittance tax sa bawat padala, ipinatutupad na!

Validity ng ‘Carta d’identità’ (identity card) kahintulad ng validity ng permit to stay!