Niyanig muli ang Central Italy ng tatlong magkakasunod na lindol kaninang umaga.
Roma – Muling niyanig ang Central Italy ng tatlong magkakasunod na lindol kaninang umaga, alas 10:24, 11:14 at 11:25.
Ayon sa Ansa, may magnitudes 5.1, 5.5 at 5.4 ang tatlong malalakas na pagyanig na tumagal ng ilang segundo at ito ay naramdaman din sa Rome, Florence at Napoli.
Montereale ang epicenter, matatagpuan sa pagitan ng Aquila at Rieti at muli ay malapit sa Amatrice.
Tuluyan ng bumagask ang kampanaryo sa Amatrice, kung saan kasalukuyang patuloy na umuulan ng snow at umabot na sa dalawang metro ang yelo.
Ilang paaralan naman sa Rieti ang nagpa-evacuate.
Samantala, isinara sa Roma ang metro A, B, B1 ng higit sa isang oras upang masuri.