Parami ng parami ang mga Comune sa Italya, tulad ng Roma, Milano, Firenze, Torino at iba pa, kung saan ang mga certificati anagrafici tulad ng Certificato di Residenza, Stato di famiglia at iba pa ay makukuha na rin kahit sa mga edicola o kiosks.
Samakatwid, hindi na kakailanganin pang magtungo sa Municipio o Comune. Sapat na ang ipakita ang balidong ID, codice fiscale, sagutan ang request form at dalhin ang mga lumalok na newspaper stands upang matanggap ang printed copy ng Stato di Famiglia, Residenza, Matrimonio, Nascita at iba pa, sa halagang €1,50 para sa serbisyo ng edicola at ang halaga ng bollo ng dokumentong kailangan.
Ang mga certificati anagrafici na maaaring hingin sa mga Edicole ay ang sumusunod:
- Residenza;
- Stato di Famiglia;
- Diritti politici;
- Cittadinanza;
- Stato Civile;
- Nascita;
- Storico Anagrafico (simula Oct. 24, 1981);
- Residenza AIRE;
- Stato libero;
- Decesso;
- Matrimonio;
Gayunpaman, ipinapayong sumangguni sa official website ng Comune kung saan residente para sa listahan ng mga participating newspaper stands.
Roma:
https://www.comune.roma.it/web/it/scheda-servizi.page?contentId=INF561677
Firenze:
Milano:
https://www.comune.milano.it/-/anagrafe.-da-oggi-certificati-disponibili-in-15-edicole
Torino:
http://www.comune.torino.it/anagrafe/certificati.htm
Modena: