Ang DPCM ng December 21, 2021 na nagtalaga ng Decreto Flussi 2021 ay inirehistro ng Court of Audit noong December 27, 2021 at ilalathala sa Official Gazette sa January 17, 2022.
Sa pamamagitan ng Decreto Flussi 2021, pinahihintulutang regular na makapasok sa Italya ang 69,700 foreign workers. Sa nabanggit na bilang, 42,000 ang nakalaan para sa lavoro stagionale at 27,700 para sa lavoro subordinato non stagionale at lavoro autonomo.
Basahin din: Decreto Flussi 2021, ang nilalaman
Ang pagsusumite ng aplikasyon para sa nulla osta o work permit mula sa employer (Italyano o dayuhan) para sa dayuhang manggagawa ay ang simula ng buong proseso.
Simula 9:00 am January 12, 2022, sa website https://nullaostalavoro.dlci.interno.it, ay available na ang mga aplikasyon ng Decreto Flussi 2021 upang ang mga ito ay maihanda at masagutan. Gayunpaman, ang mga aplikasyon ay maaari lamang esklusibong isumite online:
- simula 9:00 am sa January 27, 2022 para sa mga non-seasonal foreign workers (subordinate job), self-employment at conversion ng mga permit to stay;
- simula 9:00 am sa February 1, 2022 para sa mga seasonal workers
Tulad sa nakaraang taon, kakailanganin ang SPID (Sistema Pubblico di Identità Digitale) para masagutan ang aplikasyon at maipadala ito, gaya ng inilarawan ng Ministry of the Interior sa Circular no. 3738 ng December 4, 2018, gamit ang parehong email address na ginamit sa SPID, bilang username.
Sa panahon ng pagsagot at pagpapadala online ng aplikasyon, ay available din ang Help Desk na magbibigay serbisyong teknikal. Gamit ang angkop na form, sa pamamagitan ng link na matatagpuan sa home page.
Ang lahat ng mga aplikasyon ay maaaring isumite hanggang March 17, 2022 at ang mga ito ay ipo-proseso batay sa chronological order ng pagsusumite ng aplikasyon. (PGA)