in

Clinical trials ng anti-covid vaccine, sinimulan na sa Italya

anti-covid vaccine Ako ay Pilipino

Ngayong araw, August 24 ay sinimulan ang clinical trials ng anti-covid vaccine Made in Italy.

Ito ay matapos i-anunsyo ni Antonella Folgori, ang Chief Executive Officer ng Reithera, ang pagsubok sa unang dosage nito sa unang boluntaryo ngayong umaga. Ang unang yugto ng clinical trials ay gagawin sa 90 boluntaryo ngayong linggo.

Ang human trials ay isinasagawa sa Spallanzani hospital, ang infectious disease hospital sa Roma, pinondohan ng 5M euros ng Lazio Region at 3M ng Ministry of Research. Matatandaang sa kasagsagan ng pandemic, ang Spallanzani ang unang research center sa Europa na nakapag-isolate ng genomic sequence ng covid19.

Samantala, ang ikalawang yugto, kung saan magkakaroon ng 500-1000 boluntrayo ay posibleng gawin din sa Italya, matapos magkaroon ng positibong resulta ang first phase.

Ang third and final phase naman ay inaasahang gagawin sa ibang bansa kung saan mataas ang bilang ng mga positibo sa coronavirus. Ang pagpili kung anong bansa ito ay dipende umano sa magiging sitwasyon sa Autumn.

Ang Reithera Srl ay isang swiss company ngunit lahat ng operasyon nito ay ginagawa sa Italya, pati ang mga employees at staff ay Italians lahat. At ang bakuna ay ginawa at pinag-aralan partikular sa Castel Romano at kasalukuyang sinusubok sa Italya.

Sa kasalukuyan ay maari umanong gumawa ng libu-libong dosages ang Reithera at inaasahan na aabot sa milyong dosages bago magtapos ang taon, sa pakikipagtulungan ng dalawa pang biotech companies upang lalong mapadali ang produksyon.

Inaasahang ang malalaking pharmaceutical companies ay maglalabas na ng bakuna sa September. “Hindi iisang uri lamang ng vaccine anti-covid ang lalabas sa merkado. Maaaring hindi rin pinaka-mabisa ang mga unang lalabas na bakuna. Layunin namin ang magkaroon ng solo o iisang dosis lamang na bakuna na ituturok sa bawat tao at inaasahan namin ang pagiging epektibo ng aming produkto”.

Basahin din:

Bakuna kontra Covid19, ano na ba ang estado?

Unang bakuna kontra Covid19, inirehistro na ng Russia

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italya, tumaas sa 1,071 ang mga bagong kaso ng covid19. Roma, nagtala ng 131 bagong kaso.

Babalik sa Italya mula sa Pilipinas o sa ibang bansa, ano ang dapat gawin?