Krisis, ang pangunahing dahilan ng pagdami ng mga colf at caregivers na Italians.
Ito ang lumabas sa ulat kamakailan ng Osservatorio ng Inps kung saan dalawang mahalagang bagay ang naging resulta: 1) ang pagbaba sa bilang ng mga colf at caregivers na naglilingkod sa mga pamilya at 2) ang pagdami ng mga Italians (partikular ng mga kababaihan) na sa kahirapan makahanap ng trabaho ay tinatanggap na rin ang pagiging colf at caregivers.
Kumpirmado ilang taon na, ang patuloy na pagbaba sa kabuuang bilang ng mga colf at caregivers. Sa katunayan sa taong 2017, sa kabila ng ‘lavoro nero’ sa sektor ay nagbayad ang kabuuang bilang ng 854,526 para sa kontribusyon sa Inps, na mas mababa ng 1% kumpara sa taong 2016.
Sa katunayan, ang mga domestic workers na dayuhan ay bumaba ang bilang sa 631,000, na noong 2016 ang bilang ay 655,000 at 681,000 naman noong 2015. Samantala ang mga colf at caregivers na Italians ay dumami at umabot sa 232,000 sa taong 2016 (214,000 noong 2014), tumaas ng 6.9%.
Kung lugar kung saan nagta-trabaho ang pag-uusapan, nangunguna ang North-West kung saan 29.7% ang mga colf. Sinundan ng Central 828.5%); North-East (19.9%) at South (12.6%) at mga Island (9.3%).
Higit sa kalahati ng mga colf ay matatagpuan sa apat na rehiyon: Lombardy (18.1%) , Lazio (14.9%), Emilia Romagna (8.8%) at Tuscany (8.6%). Ang Lombardy region ay nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga colf at caregivers: 156,000, ang 18.1% ng kabuuan.
Bukod sa mga colf, ay dumami din ang bilang ng mga caregivers na Italians na umabot sa 88,000 (+17.3%) habang ang mga colf naman ay 143,837 (+1.31%). Ito ay dahil na rin sa pagtanda ng populasyon at ng pagdami ng mga inaalagaang non self-sufficient.
Kung bumaba man ang kabuuang bilang ng mga colf (mula 490,576 sa 469,922) – dahil na rin siguro sa laki ng gastusin – ang bilang ng mga caregivers ay tumaas naman mula 381,238 sa 393,478 (+2.94%).
Sa East Europe ang pangunahing pinanggalingan ng higit sa kalahati ng mga workers (8378,258) katumbas ng 43.8% : karamihan ay mga caregivers (224,350) kumpara sa mga colf (153,509). Sinundan naman ng Pilipinas, na umabot sa 69,325 – kung saan ang 58,858 ay mga Pinoy na colf at higit sa 10,000 naman ang mga Pinoy na caregivers.