in

“Colf at caregivers, makakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno” Minister Catalfo

Ang domestic sector ay hindi kasama sa mga unang ayuda ng gobyerno sa panahon ng krisis.

Ang gobyerno ay maglalabas ng tila ammortizzatori sociali (social support) para sa mga manggagawa sa sektor, bilang proteksyon nila kahit sila ay nasa sick leave o quarantine”, Labor Minister Nunzia Catalfo. 

Social support para sa mga colf, babysitters at tax relief naman para sa employers ng domestic job.

Ito ang pangunahing panawagan kay Labor Minister Nunzia Catalfo sa ginawang ‘tavolo tecnico’ kamakailan kung saan tinalakay ang hinaharap ng domestic sector matapos hindi makasama sa mga ayuda ng gobyerno

Kasama sa naging ‘tavolo tecnico’ ang mga pangunahing labor unions sa bansa na pumirma sa CCNL, Federcolf, Assindatcolf, Fidaldo at Domina.

Pasasalamat sa Ministra sa pagpapakita ng availability sa nagkakaisang panawagan at nangangailangan na ng mabilisang aksyon. Kung sa buwan ng Marso kahit papaano’y natugunan ang pangangailangan ng mga pamiya, ngayong Abril ay maaaring marandaman na ang epekto ng krisis at maraming colf at caregivers ang matatanggal sa trabaho. Partikular may higit sa 200,000 mga employers ang nag-empleyo ng higit sa 35 hrs weekly, na ang halaga para sa kanila kada buwan para sa 1 colf ay humigit kumulang €1.250”, ayon kay Andrea Zini, konsehal ng Fidaldo at Federcolf. 

Panawagan din sa Ministra, bukod sa mga regular workers, na tinatayang higit sa 860,000 na nakatala sa Inps, ay huwag kalimutan ang halos 1.2 milyong manggagawa na nasa ‘lavoro nero’.

“Ang gobyerno ay maglalabas ng tila social support para sa mga manggagawa sa sektor, bilang proteksyon kahit sila ay nasa sick leave o quarantine”, tugon ni Ministro Nunzia Catalfo. 

Samantala, ay ipinagpaliban ng dalawang buwan ang duedate ng pagbabayad ng kontribusyon sa Inps para sa unang payment nito sa April 10. Sa katunayan, sa isang mensahe ay ipinaalala ng Inps sa mga employers sa domestic job na ang duedate ay pinalawig at ginawang June 10, 2020. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Masks distribution sa Lombardy region, sisimulan sa susunod na linggo

SPID, narito kung paano magkaroon