in

Colf at caregivers, timbog ng Guardia di Finanza sa hindi pagbabayad ng buwis

Ako ay Pilipino

Bilang bahagi ng tax evasion operation sa bansa, animnapung (60) mga dayuhang colf at caregivers ang inakusahan sa hindi paggawa ng dichiarazione dei redditi sa kabila ng pagkakaroon ng mga ito ng sapat na sahod at samakatwid hindi pagbabayad ng buwis.

Batay sa ginawang pagsusuri ng Guardia di Finanza ng Livorno, Cecina at Castiglioncello, humigit-kumulang 2 million euros ang kabuuang halaga na hindi idineklara ng mga domestic workers. Bukod sa hindi pagbabayad ng karampatang buwis, kumpirmado na bahagi ng kanilang kinita ay napatunayang ipinadala sa ibang bansa at nakinabang rin ng iba’t ibang serbisyo nang walang bayad tulad ng pangkalusugan. Ang ilan naman ay tumanggap pa Naspi o unemployment benefit.  

Ayon sa ulat, kabilang dito ang isang Pilipina na domestic worker ng isang mayamang pamilya sa Livorno, na di-umano’y hindi gumawa ng tax return ng halagang halos € 60,000 na agad namang nagbayad at ginawang regular ang kanyang posisyon. 

Ayon pa sa mga ulat, domestic workers na regular na gumagawa ng dichiarazione dei redditi at nagbabayad ng buwis ang diumano’y nag-report sa awtoridad sa kakulangang gumawa ng dichiarazione dei redditi ng kapwa domestic workers.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 2.3]

caregivers

9% Increase sa sahod sa Domestic job sa 2023, mabigat para sa mga Employers

Permesso di soggiorno per sfruttamento lavorativo, kailan ibinibigay?