in

Confindustria at Crui “Hikayatin ang mga mahuhusay na mag-aaral mula sa ibang bansa”

Ang Crui ay pinirmahan ang isang kasunduan sa asosasyon ng mga entrepreneurs. “Hahanap at maghihikayat tayo ng matatalino mula sa ibang bansa, gagawing internasyunal ang mga kurso at malulutasan natin ang bureaucratic difficulties.

altRome – Upang magbigay ng kontribusyon sa ika-uunlad ng Italya, ang mga unibersidad ay kailangang makaakit ng mga dayuhang talino. Kumbinsido dito ang Confindustria at ang Conferenza dei Rettori delle Università Italiane, na pumirma noong Lunes sa Milan ng isang kasunduan para sa mga unibersidad, Research at Innovation.

Walo ang mga layuning nabanggit: ituro sa mga mag-aaral na italyano ang technical at scientific faculties; lumahok sa mga European program ng R & I (Research and Innovation); bawasan ang edad ng pagpasok sa labor market ng mga kabataang nagtapos; taasan ang bilang ng mga kurso sa pagdo-doctorate at ihanda sa pangangailangan ng enterprise; pagbutihin ang pangangalap ng mga guro at mananaliksik; subaybayan ang pamamahala ng mga unibersidad batay sa mga prinsipyo ng pagiging epektibo at mahusay sa paggamit ng mga financial at human resources; alamin ang mahuhusay na internasyunal na gawi o practices; gawing mas kaakit-akit ang mga unibersidad para sa mga mahuhusay na banyagang mag-aaral at mga guro. “

Dahil mas mababa ng 4% ang mga banyagang mag-aaral (kasama ang mga anak ng mga migrante),ang Italya ay nasa ibaba sa listahan ng mga industrialized countries. Isang kondisyon na sanhi ng, bukod sa iba pang mga bagay, ang kakulangan ng mga kurso sa Ingles, mga scholarship at tirahan sa unibersidad, huwag nang banggitin ang ipinataw na paghihigpit sa batas ng migrasyon para sa mga kabataang nagnanais na sa Italya ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ang Confindustria at ang Crui ay nagsusumikap upang “subaybayan ang internasyonal na karangalan ng mga unibersidad at ang paglawak ng mga kurso sa isang mataas na antas batay sa kalidad.” Pagkatapos ay nais nilang “bigyan ng pondo sa pamamagitan ng mga competition ang mga kumpanya at asosasyon ng industriya upang bisitahin ang mga propesor na dayuhan, ang “distance learning” at pabalikin sa Italya (kahit pansamantala) ang mga siyentipiko na nagtatrabaho sa ibang bansa, at padaliin ang mga pamamaraan para sa pagkuha ng entry visa. “

At bilang panghuli ay umpisahan ang “isang group work na kikilala sa mga bureaucratic at administratibong problema upang malunasan”.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tomato o Kamatis o Pomodoro “FRUIT OR VEGETABLE”???

Pacquiao wins by decision