Mananatiling Konsehal ang mga nahalal na dayuhang sa Roma. Godoy: “Ito ay isang pagbabagong hindi nanggaling sa amin, ang aming hangad lamang ay magkaroon ng rappresentative na dayuhan sa loob ng Konseho sa Kapital.
Rome – Disyembre ng taong 2006 ng sina Madisson Bladimir Godoy Sanchez, Victor Emeka Okeadu, Romulo Sabio Salvador at Tetyana Kuzyk ay nahalal na kinatawan ng mga migrante sa Campidoglio, samantalang ang labinsyam pang iba ay naupo bilang mga Municipal Councilor. Wala silang karapatang bumoto ngunit maaaring lumahok sa mga gawain ng komisyon at konseho at magmungkahi ng mga resolution.
Ngayon, ang mga ‘consiglieri aggiunti’ sa Capital ay muling nakaligtas sa halalan. Ang mga regulasyon na ipinapatupad noong sila’y nahalal, sa katunayan, ay nagsasaad na dapat na maging ganap na mga konsehal. Kaya sa noong 2008, noong natapos ang panunungkulan ni Mayor Walter Veltroni at nagkaroon ng bagong halalan, kahit ang mga migrante sa Roma ay dapat na bumotong muli para sa kanilang kinatawan.
Hindi ito naganap. Sa huling sandali, sa isang panukala mula sa mga interesadong partido, ay nagbago ang regulasyon ng ‘consiglieri aggiunti’ at ipinagpatuloy ang kanilang mandate hanggang 2011. Ayon sa resolution na inaprubahan sa Konseho Julius Caesar, ay hindi sila pwedeng kilalanin bilang mga normal na konsehal at samakatwid ay limang taon ang kanilang panunungkulan nang walang kinalaman kung sino o anong partido ang administrasyon na mahahalal.
Nalalapit na ngang muli ang pagtatapos ng kanilang panunungkulan at halos lahat ay naghahanda na para sa panibagong eleksyon. Ngunit hindi na dapat magmadali dahil dumating muli ang isang sorpresa para sa karagdagang pang mga taon ng kanilang panunungkulan bilang mga kinatawang dayuhan sa Konseho at maaaring matapos sa 2013.
Sa isang resolution na iminungkahi ng PDL party head na si Luca Gramazio noong nakaraang Biyernes at naaprubahan sa napakabilis na panahon noong nakaraang Lunes sa pamamagitan ng botong 28 pabor, 12 abstentions at 3 laban.
Ang resolution muli ay binabago pati na ang petsa ng bagong halalan ng mga consiglieri aggiunti: “isang araw ng Linggo sa pagitan ng Abril 15 at Hunyo 15 o sa pagitan ng Oktubre 15 at Disyembre 15 ng parehong taon ng unang halalan ng Capitoline Assembly at konseho ng mga munisipyo, matapos ang pagpapatupad ng bagong statute ng ROMA CAPITALE”. Sa madaling salita, manatili silang mga konsehal hanggang sa susunod na halalang lokal.
Maaaring isiping isang tunay na halimbawa ng integrasyon ng mga migrante, na maging ang mga dayuhan ay ayaw na ring iwan ang kanilang posisyon tulad ng mga politikang italyano? Ang Head ng mga consiglieri aggiunti na si Madisson Godoy ay tinatanggihan ang mga akusasyon: “Ang resolusyon ay pagnanais ng administrasyon ng hindi kami kinunsulta at walang anumang tulong buhat sa amin”, sa isang panayam ng Stranieriinitalia.it.
“Ang problema – paliwanag pa nito – na ang bagong Statute ng Kapital ay babawasan ang mga konsehal gayun din ang mga munisipyo at nanganganib na ang mahahalal na councilors batay sa mga pagbabago ay maaaring matanggal. Ang extension ay upang matiyak lamang ang representasyon ng mga migrante sa panahong ito ng pagbabago“, pagtatapos pa ni Godoy.
Hindi ba mas mainam na ipagkatiwala ito sa mga bagong mahahalal na konsehal at hayaang baguhin ng bagong batas ang panahon ng kanilang panunungkulan? “Inuulit ko, hindi kami ang nagpasya ng mga pagbabagong ito. Ang aming interes lamang ay ang magkaroon ng mga kinatawan na dayuhan sa pagpapatupad at pagbabago para sa ROMA CAPITALE, kung kaya’t naging sentro ng aming partesipasyon ang maging bahagi sa paggawa ng bagong Statute”.