in

Conte-bis, tuluyang nagpatalsik kay Salvini!

Sa harapan ni Head of State, Sergio Mattarella ay muling nanumpa ng katapatan sa Republika at sa Konstitusyon si Giuseppe Conte, kaninang umaga sa Quirinale bilang Prime Minister ng bansa.

Pagkatapos niya ay nanumpa rin ang lahat ng 21 mga ministro ng bagong gobyerno.

Ang bagong gabinete ng Conte-bis ay binubuo ng koalisyon ng dalawang magkaribal na partido, ang M5S (Movimento 5 stelle) at PD (Partito Democratico) matapos ang ilang buwang krisis sa politika ng bansa.

Natuldukan ang unang 14 na buwan ng gobyerno ni Conte noong nakaraang buwan matapos umatras ni Salvini sa koalisyon nito sa M5S sa pag-aakalang mas mapapa-aga ang halalan. Sa halip, ito ang tuluyang nagpatalsik kay Salvini ng Lega mula sa gobyerno.

Ang bagong ehekutibo pagkatapos manumpa ay nagtungo naman sa Palazzo Chigi para sa seremonya ng inagurasyon sa pamamagitan ng unang Konseho.

Ang bagong tatag na gobyerno, binubuo ng 21 miyembro kung saan 7 ang mga babaeng ministro, ay inaasahang magpapabuti sa relasyon ng bansa sa EU at magpapahina din sa kasalukuyang tayo ng bansa ukol sa imigrasyon.

Gayunpaman, matapos ang panunumpa ng ehekutibo ay kailangan pa ring sumailalim sa vote of confidence upang masigurado ang pagkakaroon ng majority.

Samantala, salamat sa consensus ng mga miyembro ng M5S na sa pamamagitan ng online voting ay inaprubahan ang bagong koalisyon ng sa botong 79.3%.Isang snap election ang maaaring maganap bandang Nobyembre sakaling ito ay hindi sinang-ayunan ng mga miyembro.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Strike for a Cause ng Samahan ng San Juan Batangas sa Roma

Bagong batas sa Imigrasyon, haharapin ng Conte-bis