in

“Coronavirus sa Europa, malalang sitwasyon” – WHO

Sa Europa ay lumampas na sa bilang noong Marso ang mga naitalang bagong kaso ng coronavirus, isang lumalalang sitwasyon”.

Ito ay ayon kay Hans Kluge, ang Europe Regional Director ng World Health Organization o WHO. Aniya higit sa kalahati ng mga bansa sa Europa ay nagtala ng pagtaas ng higit sa 10% sa huling 2 linggo at sa 7 bansa, ay naitala ang higit sa doble ang naging pagtaas ng mga bagong kaso ng coronavirus.

Ang bilang na ito ay sapat na para magising ang buong Europa”.

Noong nakaraang linggo, sa weekly report ng Rehiyon ay lumampas na sa 300,000 ang mga pasyente ng covid”, ayon pa kay Kluge.  

Sa buong mundo, humigit-kumulang sa 14% ang mga iniulat sa WHO na pasyenteng health workers, at sa ilang bansa ay 35% naman ang naiulat na datos ng mga health workers, bagaman mahirap matiyak kung saan nahawa ang mga health workers –  kung saan ba sila nagta-trabaho o sa komunidad ba”, ayon naman kay WHO General Director, Tedros Adhanom Ghebreyesus. “Lahat tayo ay may malaking utang na loob sa mga health workers, hindi lamang dahil sa kanilang pag-aalaga sa mga maysakit, ngunit dahil kanilang ipinag-sasapalaran ang kanilang mga buhay para gampanan ang kanilang tungkulin”, dagdag pa niya. 

Kaugnay nito, ipinaalala din ni Ghebreyesus ang kanyang paalala noong nakaraang Marso na iwasan ang pagbati gamit ang siko dahil ito umano ay hindi nagpapahintulot sa social distance. 

Nilinaw din ng ahensya ang kanilang posisyon ukol sa 14 day quarantine. “Nananatili ang aming posisyon sa 14 na araw na quarantine, para na rin sa kabutihan ng mga pasyente”, ayon naman kay Catherine Smallwood, isang opisyal ng WHO sa isang briefeing online ukol sa desisyon ng ilang bansa, kasama ang Pransya at Italya, na bawasan ang panahon ng isolation. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Patente di qualità sa domestic job, ano ito at paano magkaroon nito?

Pagbabago sa bagong CCNL, ipinaliwanag ni Teresa Benvenuto ng Assindatcolf