in

Corruption Perception Index 2012, inilabas ng Transparency International

Pilipinas bumuti ang posisyon, bansang Italya bahagyang lumalà ang korapsyon.

Rome – Dec 17, 2012 – Ayon sa Corruption Perceptions Index 2012 buhat sa organisasyong Transparency International, ay bumuti ang posisyon ng Pilipinas, mula sa ika-129 noong nakaraang taon ay umakyat sa ika-105 ngayong taong ito.

Sa pagitan ng score na 100 bilang pinakamalinis at 0 bilang pinakakorap, nakakuha ng 34 ang Pilipinas kahanay ang Mexico, Mali, Kosovo, Gambia, Bolivia, Armenia at Algeria.

Samantala, ang bansang Italya naman ay bahagyang lumalà ang posisyon, ayon sa listahan. Mula sa ika-69 noong nakaraang taon ay bumagsak sa ika-72 ngayong taon at mayroong score na 42 kahanay ang Bosnia and Herzegovina at Sao Tome and Principe.

Itinuturing na pinaka-corrupt ayon sa listahan ng Transparency International ang Somalia, Afghanistan at North Korea na ika-174 sa score na 8. Pinakamalinis naman ang New Zealand, Finland at Denmark na nakakuha ng score na 90.

Ayon sa organisasyon, ang paghihirap ng mga mamamayan na makakuha ng serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon ay buhat sa korapsyon sa pondo ng mga opisyal ng gobyerno.

Lumalabas pa rin sa pag-aaral na kahit pa mayroong score na umabot sa 90, ay wala pa ring umaabot sa 100. Bukod dito two-thirds ng mga bansa ay mayroong score na mas mababa sa 50 at ito diumano ay nangangahulugang mayroong problema pa rin ng korapsyon ang maraming bansa, tulad ng Pilipinas at Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

RH Bill, aprubado na ng Kamara

RH Bill, aprubado na ng Senado