Tumaas sa 62% ang mga bagong kaso ng Coronavirus sa isang linggo. Ito ang makikita sa weekly report ng National Institute of Health at Ministry of Health ukol sa takbo ng pandemya sa Italya. Sa ulat, labindalawang rehiyon (12) ang naitalang nasa average risk, habang siyam (9) na rehiyon naman ang naitalang nasa high risk at 2 sa mga ito ay may posibilidad na tumaas sa very high risk. Sa kasalukuyan, walang rehiyon ang naitalang nasa low-risk.
Ang Covid incidence ay 504 bawat 100,000 residente. Ito ay tumaas ng 62% sa isang linggo. Noong nakaraang linggo, sa katunayan, ay 310 lamang ang incidence. Kaugnay nito, naitala ang higit sa 500 ang insidente sa bawat 100,000 residente sa 8 rehiyon: Abruzzo (533.1), Emilia Romagna (512.0), Friuli Venezia Giulia (552.4), Lazio (672.7), Sardegna (680.7), Sicilia (563.2), Umbria (560.9) at Veneto (623.0). Ang Sardegna ay ang rehiyon na may pinakamataas na insidente. Sa linggong ito ang Sicilia at Umbria ay lumampas sa itinakdang 15 % ng bed occupancy ng mga Covid patients, at tumaas sa17.6% at 17.7%.
Gayunpaman, ayon sa ISS ang porsyento ng mga kaso sa pamamagitan ng contact tracing ay stable. Sa kabilang banda, tumaas ang porsyento ng mga cases na may sintomas (45% laban sa 44%). Tumaas din ang hospitalization rate, sa ICU at General Medicine – mula 1.9% sa 2.2% at mula 6.7% sa 7.9% kumpara noong nakaraang linggo. Tumaas din ang average RT rate ng mga mayroong sintomas mula 0,83 sa 1,07.