Tumataas ang mga kaso ng Covid Sa buong mundo. Ito ay sanhi ng bagong variant na mas agresibo kumpara sa mga nauna. Dapat pa ba itong katakutan?
Opisyal na idineklara ang pagtatapos ng pandemya noong May 5, 2023, ngunit ang virus na mahigit dalawang taong nagpahirap sa buong mundo na nagdulot ng mahigit sa 7 milyong biktima ay siguradong hindi na mawawala. Ito ay naging endemiko at mula noon nagsimula tayong mamuhay na kasama ito.
Sa kasalukuyan ay naitala ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng Covid sa US at ibang parte ng mundo. Ang pagtaas ng kaso ay naitala din sa Italya. Sa kabutihang-palad, ito ay kontrolado na. Gayunpaman, ayon sa mga eksperto, nasa panganib ang mga matatanda at mga vulnerable, tulad ng naitalang 33 kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa virus noong nakaraang linggo. Sa ayon sa Italian Ministry of Health, mula July 4-10, naitala ang 5,503 bagong kaso ng Covid sa bansa, habang noong nakaraang linggo ay 3,855. Inaasahang ang mga numerong ito ay mas mababa kaysa sa tunay na bilang dahil bihira na lamang ang nagpapa-Covid test.
Ang mga bagong variant KP.3 at LB.1 ay may sintomas na katulad ng trangkaso: ubo, sakit ng lalamunan, lagnat, at pananakit ng kalamnan.
Ngayong mainit ang panahon sa Italya, mas maraming kaso ng trangkaso ang naitatala kumpara sa karaniwang bilang nito. Kahit ang mga bagong variant na ito, ay palaging target ay ang mga pinaka-vulnerable tulad ng mga matatanda o immunocompromised o maysakit sa puso, baga, bato, at iba pang sakit. Inirerekomenda pa rin ang magpa-booster shot ng bakuna. Nananatiling rekomendasyon ng mga eksperto ang magsuot ng mask sa pagsakay sa public transportation, at sa mga mataong lugar. Magpa-rapid test muna bago bumisita sa taong maysakit o vulnerable upang mabawasan ang panganib na mahawa ang taong iyon.
Higit na ring isang taon na ang buong mundo ay bumalik na sa sari-sariling pamumuhay. At ang Covid-19 tulad ng ibang mga respiratory virus ay nakakahawa. Tandaan ang Covid ay hindi nawala at ang mamuhay kasama ito ay natutunan na nating gawin, ngunit magiging isang pagkakamali ang kalimutang gawin ang mga kinakailangang pag-iingat upang maprotektahan ang mga vulnerable.