Hindi employer ang magbabayad ng covid19 leave ng domestic worker dahil sa school quarantine ng anak nito.
Ito ang inilathala ng Assindatcolf sa official website nito matapos humingi ng paglilinaw sa Inps ukol sa nasasaad sa artikulo 5 ng Decreto legge 8 sett 2020 numero 111 na ang special leave na ito ay dapat direktang bayaran ng ahensya.
Bukod dito, sa Circular 116 ng 2 ott 2020, ay nilinaw din ng Inps ang ilang bagay sa domestic job, partikular ang pagtanggap ng congedo indennizzato o leave with pay ng mga colf, caregiver at babysitter sa kasong ang anak na mas bata sa 14 anyos ay kailanganing mag-quarantine.
Matatandaang sa Decreto Cura Italia ilang buwan na ang nakakaraan ng unang nabanggit ang special leave ngunit hindi kasama ang mga magulang na domestic workers, tulad rin ng nangyari sa bonus baby sitter.