Kaugnay ng pagbibigay prayoridad sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral, bahagi din ng bagong dekreto ukol sa Green Pass ang pagbababa sa halaga ng Covid 19 rapid test.
Ayon sa naging kasunduan ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo at Health Minister Roberto Speranza at mga presidente ng Federframa, Assofarm at FarmacieUnite, ang rapid test sa mga pharmacies ay nagkakahalaga ng € 8,00 para sa mga kabataan mula 12 hanggang 18 yrs old at € 15 naman para sa mga over 18.
Bukod dito, sa oras ng booking ng Covid19 test sa mga pharmacy, ay bibigyang prayoridad ang mga kabataan at magkakaroon ng kabuuang bayad na € 15, kung saan ang € 7 ay covered ng kontribusyon mula sa estado.
Sa kasalukuyan ang nabanggit na halaga ng rapid test ay may bisa hanggang sa katapusan ng Setyembre. (PGA)
Basahin din:
- Green Pass, narito ang nilalaman ng bagong decreto
- Green Pass, ang regulasyon para sa mga menor de edad
- Green Pass, kailangan ba sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral?