in

Covid19 sa huling 7 araw sa Italya, nagtala ng pagbaba sa lahat ng datos

preventive-measures-anti-covid

Nagtala ng pagbaba sa lahat ng datos ang Covid19 sa Italya. Mula sa mga biktima hanggang sa mga nahawa ng Covid19, sa linggo ng Sept 8-14. Bumaba ng -14.7% ang mga bagong positibo (mula 39,511 sa 33,712), ng -6.7% ang mga biktima (mula 417 sa 389), ng -8.8% ang mga naka home isolation (mula 117,621 sa 128,917), ng -3.3% ang hospital admission with symptoms (mula 4,307 sa 4,165) at ng -1.6% ang mga ICU patients (mula 563 sa 554).  Ito ay ayon sa weekly report ng Gimbe Foundation.

Ayon pa sa Gimbe, karamihan ng mga nasa ospital ay mga hindi pa bakunado kahit isang dosis kontra Covid19.

Ang unti-unting pagdami sa bilang ng mga bukanado at ang pagsunod sa mga health protocols ng mga indibidwal ay nagpahintulot na mapigilan ang fourth wave sa Italya at dahil dito ay nakita ang pagbaba sa bilang ng mga bagong positibo sa Covid19“.

Gayunpaman, ayon kay Nino Cartabellotta, ang presidente ng Gimbe Foundation, “sa muling pagbubukas ng mga paaralan at sa tinatayang 9.4 milyong katao, bukod pa sa mga under 12 na hindi pa nakakatanggap ng kahit isang dosis ng bakuna kontra Covid19, ay malaking panganib sa muling sirkulasyon ng virus at muling pagtaas ng hospitalization rate”. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Mandatory Green pass sa work place, ang bagong dekreto

Green pass, mandatory din sa mga colf at caregivers