in

Covid19 sa Italya, record sa loob ng 7 araw

Ang Italya ay isa sa 5 bansa sa mundo na nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 sa loob ng 7 araw: mahigit 1.2 milyon, tumaas ng 25% kumpara sa nakaraang linggo, laban sa + 20% sa bilang ng mga kaso sa buong mundo. 

Sa pagitan ng petsa ng January 10-16 ay nangunguna ang USA na nagtala ng 4,688,466 bagong mga kaso. Sumunod ang France2,012,943 ( +26%); India – 1,594,160 (+ 150%); Italy – 1,268,153 (+ 25%) at UK – 813,326 at nagtala ng pagbaba ng 33%

Ayon sa weekly report ng World Health Organization WHO ukol sa pagkalat ng Omicron variant sa buong mundo ay bumagal ang incidence at stable ang bilang ng mga biktima nito ngunit tumaas ng 20% ​​ang mga kaso sa mundo. 

 Ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa buong mundo sa linggo ng January 10-16 ay 18 milyon, mas mataas ng 20% kumpara sa linggo ng January 3-9. Ang bilang ng mga namatay ay 45,000

Sa nabanggit na weekly bulletin hanggang January 16, 2022, lampas na sa 323 milyon ang mga kumpirmadong nagka-Covid sa buong mundo at higit naman sa 5.5 milyon ang mga namatay.

Sa kabila nang bumagal ang pagtaas ng incidence buong mundo, lahat ng 6 na rehiyon ay nagtala ng pagtaas, maliban sa Africa na nagtala ng pagbaba ng 27%. Ang Southeast Asia ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa huling 7 araw (+145%), na sinundan ng Mediterranean (+ 68%), Western Pacific (+ 38%), Americas (+ 17%) at ang Europe (+10%). Ang bilang ng mga namatay sa linggong nabanggit ay tumaas sa Southeast Asia (+ 12%) at sa Americas (+ 7%), habang ang ibang mga rehiyon ay nagtala ng mga parehong bilang sa nakaraang 7 araw. (Source: WHO)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Selection para sa Servizio Civile Universale, deadline sa January 26, 2022

Mabisang Pagkain Para sa Pagpapalakas ng Immune System