in

“Cultural revolution” o “Sagabal sa hinaharap”

Bertoloni (Pdl): “Sa wakas ang migrasyon na may kalidad”. Turco (Pd): “Pagpapahirap sa mga migrante at mga italyano”.

Roma – Ang pagsang-ayon ng Minister of Council sa integration agreement para sa mga bagong dating na dayuhan sa bansa ay isang cultural revolution na radikal na magpapabago sa isyu ng migrasyon, ito ang opinyon ni Isabella Bertolini ng National management of Popolo delle Libertà. 

Ayon naman sa pamunuan ng centrodestra, ito ay pagmatagalan at matalinong pagpili. Sinisikap ng bansang Italya ang maging mapagbantay sapamamagitan ng pinagsamang puntos at integrasyon. Ito ay isang hakbang upang magkakaroon ng positibong epekto sa ating komunidad, at naniniwala ang lider ng centrodestra na magagarantiyahan ang “may kalidad at maayos na migrasyon”.

Samantala, para kay Livia Turco, ang presidente ng Migration Forum of Democratic Party, ang permesso di soggiorno na may puntos ay magiging sagabal lamang sa integrasyon at magpapahirap sa lahat, migrante man o italyano.

Sa Canada – paalala ni Turco – na kung saan ipinatutupad ang permesso a punti ay may maaayos na legal entry at integrasyon, samantalang dito sa Italya, ang mabilisang emergency ay pinabayaan ng local administration. Ayon pa kay Turco, kung gagayahin din lamang ang sistema ng Canada, dapat gayahin na ito ng maayos.  (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Hypertension, Alta Presyon o High Blood: Silent Killer

Ang security package at pagbabago sa family reunification