Susunod ang Regione Lazio sa naging hakbang ng Lombardia at Campania, sa pagpapatupad ng curfew o ang tinatawag na coprifuoco, upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus sa Rehiyon.
Sa pamamagitan ng ordinansa ng gobernador ng Lazio na si Nicola Zingaretti ay magsisimula ang curfew sa Biyernes, October 23 at magtatagal ng 30 araw.
Ito ay nangangahulugan ng pagbabawal ng anumang uri ng sirkulasyon sa buong Rehiyon mula alas 12 ng hatinggabi hanggang alas 5 ng umaga. Layunin nito ang matigil ang lahat ng uri ng social gatherings partikular ang night life o Movida.
Nananatiling may pahintulot ang mga babalik sa kani-kanilang tahanan mula sa trabaho, ang ukol sa kalusugan at emerhensya na kailangang patunayan sa pamamagitan ng isang sertipiko na kilalal ng lahat, ang ‘Autocertificazione’.
Ang mga paaralan, ayon sa ordinansa, ay magsisimula sa Lunes October 26, ang obligadong pagpapatupad ng distance learning sa mga mag-aaral sa mga licei at superiore (50%) pati sa mga Uniberdidad (75%), maliban sa mga mag-aaral na nasa unang taon.
Ngayong araw, ika-apat na rehiyon ang Lazio sa pinakamaraming bagong kaso ng positibo sa covid19, (1,219); ikalawa naman sa dami ng mga na-admit sa ospital (1,226). Samantala sa Roma naman ay naitala ang 543 kaso ng coronavirus sa huling 24 na oras. (PGA)
Narito ang Ordinanza