in

Curfew, posibleng ipatupad sa pagtaas sa 10,010 ng mga positibo sa covid19

Posibleng ipatupad ang curfew at ibalik ang distance learning ng mga mag-aaral matapos tumaas muli sa 10,010 ang mga bagong positibo at +55 ang mga namatay sa Covid19 ngayong araw. Dumami din ang mga pasyente sa ICU ng +52.

Matatandaang kahapon, Oct 15 ay nagtala ng 8,804 bagong positibo. 

Nahaharap muli ang bansa sa emerhensyang hatid ng covid19 at kinakailangang dagdagan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga pagbabawal

Ito ay ayon sa CTS (Comitato Tecnico Scientifico) sa gobyerno upang dagdagan ang mga pinakahuling paghihigpit sa lalong madaling panahon. 

Kabilang sa mga inaasahang susunod na hakbang ng gpobyerno ay ang pagkakaroon ng curfew at ang pagbabalik sa distance learning o DAD (didattica a distanza). 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

decreto-flussi-ako-ay-pilipino

Ano ang proseso at anu-ano ang kailangang dokumento sa pag-aaplay ng nulla osta al lavoro?

Conte-Ako-ay-Pilipino

DPCM ng Oct 18, narito ang nilalaman