Mula sa taong ito ang kumpetisyon ay magkakaroon ng isang bahaging para lamang sa mga dalagang dayuhan na nasa Italya ng hindi bababa sa isang taon. Patrizia Mirigliani: “Ang desisyon ay dahil sa integrasyon”, ngunit bakit hindi magkasamang paglabanin ang mga tunay at bagong dalagang Italians?
Roma – Mayo 24, 2012 – Mula sa Miss Italia World sa Miss World Italia. Maaari itong ipaliwanag ng ganito sa madaling salita, na inihayag ni Patrizia Mirigliani sa website ng pinaka-hihintay na beauty contest ng buong bansa.
“Minamahal kong mga kaibigang imigrante na naninirahan sa Italya, ngayong taon ay may partesipasyon din kayo”, ang sinulat na may halong paternalism ng organizer ng pagtatanghal. At ipinaliwanag na sa taong 2012, ay magkakaroon rin ng special edition ng Miss Italia World na sa “unang unang pagkakataon, ay hindi itutuon sa mga Miss mula sa lahing Italyano na hindi naninirahan sa bansang Italya ngunit sa inyo”, “para sa inyong integrasyon – dagdag pa nito – na napakahalaga para sa lahat”.
Ang regulasyon ay tila hindi pa handa , at sa ngayon ang tanging alam lamang ay ang partesipasyon ng mga dalagang mula 18 hanggang 26 yrs old na naninirahan sa Italya ng isang taon. Ang magwawagi ay kokoronahan sa Setyembre sa Montecatini sa Terme, sa parehong araw ng finals ng Miss Italy.
“Ang bahaging laan sa migration – paliwanag pa ni Mirigliani – ay isang positibong hakbang ng sibilisasyon na magdadala sa atin sa ibang bahagi ng mundo ng walang tinitingnang hangganan at distansya. At dahil tayo na kumakatawan sa isang mahalagang bahagi ng female world, na may pangunahing papel sa larangan ng migration at isang mahalagang elemento ng integrasyon, ay ipinapaalam namin ang pangangailangang umangkop sa panahong ito”.
Isang magandang balita? Sino ang nakakaalam. Ang isang bahagi ng paligsahan ay nagtatanggal sa mga anak ng imigrante, dalagang lumaki sa Italya at kadalasang sa Italya ipinanganak, ngunit nananatiling hawak ang pasaporto ng sariling bansa, dahil ang batas sa citizenship ay patuloy na hindi pinapansin ang ikalawang henerasyon.
Habang ang reporma, tulad ng nabanggit, ay gusto ng lahat (o halos lahat) ay naka pending sa Parlamento, ang magkasamang paglabanin sa iisang beauty contest ang mga tunay at bagong dalagang Italians ay isang tunay na rebolusyon. Isang paraan upang masabing ang Italian beauty ay mayroon ding singkit na mata o maitim na balat.