Palermo – Nagpapahiram ng pera sa kanyang mga kababayang nagigipit ngunit mayroong napakataas na interes. Isang pagpapautang o ang 5-6 na kumakalat sa mga migranteng filipino ang natuklasan ng Guardia di Finanza. Inaresto ang isang filipina at nireport naman ang isa nitong kasama.
Ang dalawa, 59 anyos at nakatira pareho sa Borgo vecchio. Inumpisahang subaybayan ang dalawa noong Pebrero matapos ang isang report mula sa isa ring dayuhan. Ang mga nagpapa-utang ay kinukuha pati numero at sa ilang kaso pati ang pasaporte mismo ng mga kababayang Filipino bilang collateral.
Ang dalawa, isang Filipina at isang Filipino, ay 13 taong nang nagtatrabaho bilang colf sa bahay ng isang kilalang propesyonal sa Palermo. Sa tinutuluyang silid ng dalawa ay natagpuan ang halgang sa € 35.300 cash, mga alahas na ginto na nagkakahalaga ng 30,000 €,Philippine money at mga sertipiko ng mga deposito sa Banko ng Maynila na katumbas ng 63mila euro, ilang mga dokumento na nagpapatunay ng buwanang money transfer sa Pilipinas, na nagsimula mula sa taong 2005 hanggang 2011, at ilang mga pasaporte ng mga mamamayang Filipino.
Samantala, sa apartment ng dalawa ay natagpuan naman ang mga listahan ng patubuan. Nag-umpisa ng taong 2009 at 2010 kasama ang mga pangalan, halagang inutang at ang kaukulang interes nito.
Ayon sa report, isang Filipina ang nagkaroon ng malaking utang dahil ang anak ay nagkasakit sa Pilipinas at nanatili doon ng dalawang taon ngunit hindi nakabalik dahil ang pasaporte nito ay hawak ng dalawang nagpapautang na hinihingan ang Filipina ng 60% per annum na interes. Ayon sa mga listahang natagpuan, umaabot sa 130,000 euros ang pautang ng dalawa at mayroong 80,000 euros na tubo. Ang dalawa, gayunpaman ay hindi kaylanman nagbayad ng buwis.