in

Dalawang libong Chinese, nasa Roma sa buwan ng Enero

Tinatayang 2,000 ang mga Chinese na mula Wuhan China  ang nagtungo sa Eternal City sa unang buwan ng 2020. Samantala, sa taong 2019, nasa average ng 55,000 Chinese kada buwan ang dumating sa Italya.

Kasunod ng pagpapatupad ng travel ban mula at patungong China ni premier Giuseppe Conte kahapon ay inanunsyo rin ang State of Health Emergency sa loob ng anim na buwan dahil sa kumpirmadong unang dalawang kaso ng coronavirus o ang 2019-nCov ng dalawang Chinese tourist sa Roma mula Wuhan na pinagmulan ng virus.

Ayon sa ulat ng ‘Il tempo‘, sa buwan lamang ng Enero ay dalawang libong mga Chinese tourists ang nagtungo sa Eternal City mula sa Wuhan dahil na rin sa tatlong direct flight nito kada linggo sa Fiumicino airport. Ang China ay mayroong halos 1.5 billion populasyon at dahil sa magandang ekonomiya ng bansa ay hindi nakakagulat na umabot sa 670,000 ang mga Chinese na pumasok ng Italy noong nakaraang taon, may average number of 55,000 kada buwan.

At dahil ang buwan ng Enero ay ipinagdiriwang ang isa sa pinakamahalagang araw ng mga Chinese, ang Chinese New Year, ay libu-libong mga Chinese ang lumabas ng kanilang bansa at nagtungo sa maraming destinasyon upang ito ay ipagdiwang, kabilang dito ang Rome kung saan ang komunidad ay mayroong humigit kumulang na 20,000 residente.

Sa katunayan ayon sa Federalberghi, kada araw ay tinatayang daan-daan ang reservations ng mga Chinese sa Rome katulad na lamang ng dalawang turista na unang kaso ng coronavirus sa bansa. At sa loob ng 180 araw, sa pagpapatupad ng travel ban, ang pagbalik ng mga Chinese sa kanilang bansa ay hindi magiging madali para sa halos 1,000 pang mga Chinese na nasa Italya. Nag-anunsyo ang awtoridad ng iba’t ibang hakbang para sa repatriation ng mga ito bukod pa ang pang-kalusugan kabilang na dito ang measurement ng body temperature, mga form kung aan ilalagay ang address ng pinanggalingan at pupuntahan pa para sa mas madaling komunikasyon at ang posibleng pagkumpiska sa hotel na kanilang tutuluyan sa bansa.

Binuo ang Extraordinary Commission na pangungunahan ng head ng Protezione Civile, Angelo Borrelli upang harapin ang emerhensya sa bansa.

Samantala, ang mag-asawang Chinese na kumpirmadong may coronavirus ay kasalukuyang nasa Spallanzani hospital, ang infectious disease hospital sa Roma. (ni: PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Coronavirus, kumpirmado sa Roma

5 taong gulang na batang Pinoy, sinipa dahil napagkamalang Chinese