“Tulad ng lumipas na demokrasya”
Milan – Pangangarap sa isang Italya kung saan ang mga migrante ay may karapatang bumoto. Ito ang mga nilalaman ng mga pangungusap ni Massimo D’Alema sa ginanap na book launching ‘In ascolto dell’altro’ na isinulat ni Vescovo Enrico Dal Covolo.
“Anong uri ng demokrasya kung ang isang milyong mangagawa na tumutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa ay walang karapatang bumoto, sila ang mga dayuhang mangaggawa. Kahalintulad ito ng lumipas na demokrasya at hindi isang makabagong uri ng demokrasya.