in

D’Alema (PD): ‘Bagong batas ukol sa migrasyon’

‘Kailangan ang isang ‘kontrata’ kabilang ang ibang bansa’. Isang proposal sa World Social Forum sa Dakar, Senegal.

‘Sa 2050 ang populasyon sa Europa ay babagsak, mula sa kasalukuyang 333,000,000 sa 240,000,000 at upang mabalanse ang pagitan ng pasibo at ng aktibong populasyon, ang Europa ay mangangailangan, sa susunod na 30 taon, ng higit sa 30 milyong manggagawang migrante.’

Ito ang mga prebisyon ni Massimo D’Alema, sa kanyang pagsasalita sa workshop “Migrasyon: Susi sa Global Development” na ginanap sa World Social Forum sa Dakar, Senegal.

Ayon sa representante ng Democratic Party (PD) ito ang tamang panahon upang isulat muli ang mga alituntunin ng migration mula sa paglisan sa bansang sinilangan patungo sa ibang bansa, na syang kikilala ng tunay na karapatan ng mga migrante, kaakibat ng kaukulang paggalang sa batas ng host country. Lahat ng ito ay dapat na isaalang-alang na sa mga darating na taon ay mas magiging mabigat ang pangangailangan sa mga manggagawa sa Europa, gayun din, ito ay isang malaking tulong sa pag-unlad ng mga bansang pinanggalingan.

Inaasahan ni D’Alema na sa mabilis na pagtaas ng imigrasyon, ‘Kinakailangan ng ipatupad ang angkop na mga patakaran ukol sa integration, lalo na sa kulturang Muslim’. Dahil dito, ay iminungkahi na sa pamamagitan ng isang “kontrata” sa pagitan ng mga bansang sinilangan at ng host country, kabilang ang mga karapatan at mga tungkulin ng mga imigrante.

Kaakibat ng mga karapatan,binanggit din ang pagbibigay ng citizenship sa mga imigrante, upang maging ganap na bahagi ng lipunan, at upang mabigyan karapatang sosyal at sibil, kasama na ang karapatang bumoto. Gayun din naman, ang mga imigrante ay dapat matutong gumalang
sa mga batas ng host country, kabilang ang paggalang sa kalusugan ng mga kababaihan,’ ayon pa kay D’Alema.

Sa pagtatapos ng kanyang speech ipinahayag din ni D’Alema ang panawagan sa European Union sa pakikialam sa pagdagsa ng migrasyon, dahil sa mga huling kaganapan, ‘ang pagtugis sa iligal na imigrasyon ay iniwan na lamang sa bansang tutunguhan, na nagdulot ng matinding apekto sa karapatang pantao.’

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

BALITANG PINAS – KASO NI REYES, SARADO NA!

Direct Hire 2010, madaling matatapos – MARONI