Iba’t ibang mga pagdiriwang sa Italya para sa imigrasyon. Ito ay upang gunitain ang isang international convention, na hindi pa pinagtitibay sa Italya.
Rome – 18 Dis 2013 – Ang araw na ito ay ipinagdidiwang sa buong mundo, ang International Migrant’s Day. Kahit sa Italya ay maraming mga pagdiriwang: simula sa mga debate, mga panukala, hanggang sa mga reports at reflections ukol sa 5 milyong new citizens ng bansang Italya.
Bakit ipinagdiriwang sa araw na ito? Ang petsa ay hindi pinili. Noong Disyembre 18, 1990, makalipas ang halos 20 taon, ang general assembly ng United Nations ay pinagtibay ang “International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families“.
Isang trahedya sa imigrasyon ang naganap noong 1972, na nagtulak sa international community na simulan ang pagtibayin ang giuridical status na ito, upang pangalagaan ang mga lumisan sa sariling bansa para sa isang mas magandang kinabukasan. Isang trak na opisyal na naglalaman ng mga makina (sa pananahi) ang naaksidente sa loob ng tunnel ng Mont Blanc kung saan nagbuwis ng buhay ang 28 manggagawa mula sa Mali, na nakatago sa trailer upang makarating ng France.
Ang 93 mga artikulo ng Convention, bukod sa iba pang mga bagay, ay nagbabawal sa diskriminasyon, sa hindi makatao at pananamantala, at nagpapatupad ng mga karapatan sa kabila ng legal status ng mga manggagawang migrante. Ito ay nagsasaad din ng pagtanggap ng health assistance, kalayaan sa paghahayag, relihiyon o asosasyon, tinitiyak ang edukasyon para sa kanilang mga anak, labanan ang ang di-makatwirang pag-aresto at ang collective expulsion.
Ang mga regular na migrante ay normal na may mga karagdagang karapatan, tulad ng pantay na karapatan sa edukasyon tulad ng mga locals, sa professional orientation at formation, pagtanggap ng pabahay, social at health services. Bukod dito, sila ay dapat na kabilang din sa pagde-desisyon ukol sa pamumuhay at pangangasiwa ng mga lokal na komunidad. At proteksyon din para sa pamilya, sa pamamagitan ng family reunification, at pagbibigay din ng karapatan sa pamilya ng manggagawang migrante.
Ang teksto ay may halos 23 taon na, ngunit hanggang sa kasalukuyan ay wala pa sa limangpung bansa ang nagpatibay. Tumutukoy sa mga bansa ng "Timog", habang wala pa sa listahan ang mga bansa ng Europa at North America na maituturing, sa kasalukuyan, bilang ‘promised land’ sa maraming mga manggagawa.
Kabilang ang Italya sa mga wala pa sa listahan. Dahil ang batas sa Italya ay halos katulad na ng nilalaman ng Convention. Isang dahilan, na higit na nakakaantala upang pagtibayin ang teksto ng UN. Nagyon, isang hakbang upang ulitin na imigrasyon ay isang pandaigdigang tema at pandaigdigan din ang dapat na pagtatanggol sa mga karapatan ng mga imigrante.