in

Decreto Capienza, narito ang nilalaman

Bagong mga patakaran hatid ng Decreto Capienza para sa mga disco, cinema, theaters, museums at stadiums mula Lunes October 11, 2021. 

Simula Lunes October 11, 2021 ay magkakaroon ng pagbabago sa mga patakaran ng mgadisco, sinehan, theaters, museums at stadiums hatid ng Decreto Legge Capienza, na inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro kahapon, araw ng Huwebes, Oct 7, 2021. Ito ay isang bagong hakbang sa road map ng gobyerno ni Draghi para sa unti-unting ‘pagbubukas’ na naging posible dahil na rin sa bumubuting sitwasyon ng pandemya sa bansa resulta ng epektibong vaccination campaign. Narito ang mga nilalaman ng Decreto Capienza. 

Narito na ang pinakahihintay na balita. Mula Lunes Octuber 11, ang mga disco ay muling magbubukas sa buong Italya sa mga zona bianca o low risk zone. Samakatwid ay maaari muling magsayaw sa ‘pista’ matapos ang higit sa isang taong pagsasara. Mananatiling sarado gayunpaman sa mga zona gialla. Bukod dito, ay tinaasan ng Executive ang maximum capacity na inirekomenda ng CTS.

Inaprubahan ng gobyerno kahapon October 7 ang mga patakaran sa pagbubukas ng mga disco houses:

  • 50% ng maximum capacity nito na nagiging 75% sa outddor,
  • mandatory ang pagsusuot ng mask kung hindi sumasayaw at
  • ang maayos na ventilation system na hindi magkakaroon ng air recirculation. 

May pahintulot na din ang pagpasok ng higit na katao sa iba’t ibang mga libangan sa zona banca. Ayon sa Decreto Capienza, simula Lunes October 11, 2021 ay isinagad na sa 100% ng capacity ang maaaring pumasok sa mga theaters, cinema, concert hall at ibang lugar ng libangan, sa indoor at outdoor

Sa mga museums, kung saan nasa 100% na ang capacity ay tinanggal na ang social distancing ng 1 metro. 

Samantala, sa mga stadiums at sports center, ang capacity ay 60% sa indoor at 75% sa outdoor. 

Wala namang pagbabago sa paggamit ng green pass at pagsusuot ng mask. Simula October 11, ang sinumang papasok sa lahat ng mga nabanggit na lugar ay mandatory ang pagkakaroon ng Green pass at pagsusuot ng mask. Bukod dito, simula Oct 15 ay mandatory na rin ang pagkakaroon ng Green Pass sa lahat ng mga workplace, publiko at pribado. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Magkano ang sahod ng isang Caregiver sa Italya?

NOBEL PEACE PRIZE, Tagumpay ng Pamamahayag tungo sa Kapayapaan