Inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro ang bagong decreto di festività na nagtataglay ng mga restriksyon para sa Bagong taon, laban sa pagkalat ng Omicron variant. Laman din ng bagong dekreto ang bagong regulasyon ng Green pass.
Tumaas sa 28% ang mga kaso ng Covid19 at inaasahan pa ang pagtaas nito sa mga susunod na linggo. Ngayong araw, Dec 23, 2021 ay naitala ang pinakamataas na bilang ng mga positibo sa Covid19 sa loob ng dalawang taon ng pandemya, 44, 595.
Ang decreto festività ay binubuo ng 10 artikulo. Kahit sa pagkakataong ito ay hindi nasasaad ang pagiging mandatory ng bakuna kontra Covid19.
Narito ang buod ng decreto festività
Booster dose makalipas lamang ang apat na buwan
Ibinaba sa apat na buwan, (sa halip na limang buwan) ang booster at second dose. Ito ay nasasaad sa bagong ordinansa ni Health Minister Roberto Speranza.
Validity ng Green pass, ibinaba sa anim na buwan
Ibinaba din ng decreto festività ang validity ng Green pass sa anim na buwan simula Feb. 22, 2022. Napili ang nabanggit na petsa upang bigyan ng sapat na panahon ang mga nagpabakuna ng second dose para makapagpa-schedule ng booster dose.
Super Green Pass
Ang pagpasok sa mga museums at lugar ng kultura, swimming pools, gyms at team sports, wellness centers and spas, cultural, social and recreational centers, game rooms, bingo halls at casinos ay pahihintulutan lamang sa pagkakaroon ng Super Green pass.
Super Green pass sa mga bars at restaurants
Simula December 30, 2021 hanggang March 31, 2022, sa pagtatapos ng State of Emergency, ay pahihintulutan lamang ang pagpasok sa mga bars, restaurants at mga indoor places sa pagkakaroon ng Super Green pass.
Kahit ang pagkonsumo sa counter o bancone ng mga bars ay mandatroy ang pagkakaroon ng Super Green pass.
Pagkain sa sinehan, theaters at stadium, ipinagbabawal
Ipinagbabawal ang pagkain sa sinehan, theaters at stadium.
Mask sa outdoor
Kahit ang mga rehiyon sa zona bianca ay obligadong magsuot ng mask sa outdoor
Ffp2 Mask mandatory
Mandatory ang paggamit ng Ffp2 mask sa cinema, theaters, stadiums at sa pagsakay sa local transportation (train, airplanes, ships, bus at metro).
Events outdoor
Hanggang January 31, 2022 ay ipinagbabawal ang lahat ng events at anumang okasyon sa outdoor.
Sarado ang mga disco
Ang mga disco ay sarado hanggang January 31, 2022.