in

Decreto Flussi, aaprubahan bago mag-Pasko

Ang bagong decreto flussi sa agenda ng Konseho ng mga Ministro bago mag-Pasko. 

Ayon sa ulat ng Il Messaggero, ang decreto flussi o batas na nagpapahintulot sa pagpasok ng mga manggagawang dayuhan sa Italya, ay may posibilidad na madagdagan. Mula sa bilang na 30,850 noong nakaraang taon sa halos 80,000. Isang bilang na halos triple na magbibigay posibilidad makapag-trabaho sa mga professional workers at mga manggagawang mag-aaplay.

Ang decreto ay inaasahang aaprubahan sa lalong madaling panahon at kasalukuyang tinatalakay na ng iba’t ibang mga ministries, partikular ang Ministery of Interior at Labor. Ito ay magbibigay-daan sa regular na pagpasok sa Italya ng mga dayuhang mamamayan para sa motivo di lavoro subordinato, lavoro autonomo at lavoro stagionale, na susundan ng aplikasyon para sa permesso di soggiorno.

Ang mga dayuhan na tatanggapin sa Italya para sa lavoro subordinato non stagionale ay ang mga sektor ng transportasyon (autotrasporto dei merci per conto terzi), konstruksyon at turismo, pati na rin sa agrikultura at pagmamanupaktura

Ang bilateral agreement naman para sa mga bansang Albania, Algeria, Bangladesh, the Ivory Coast, Egypt, El Salvador, Bosnia-Herzegovina, Korea (Republic of Korea), Tunisia, Guatamela at marami pang iba. May nakalaan ding bilang para sa pagpasok ng mga non-European workers na residente sa ibang bansa at pumasok sa mga kursong bokasyonal at edukasyon sa kanilang country of origin. (stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 10 Average: 4]

Ako Ay Pilipino

Italya, kabilang sa red list ng Pilipinas

Kulay ng Mga Rehiyon Ako Ay Pilipino

Higit na kontrol sa pagsusuot ng mask sa outdoor at Super Green pass