Inilahad ngayong gabi ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro Giuseppe Conte sa isang live conference ang nilalaman ng bagong DPCM o ang Decreto Natale.
Simula December 21 hanggang January 6 ay ipinagbabawal ang pagbibiyahe o pagpunta sa ibang Rehiyon at mula/sa provincie autonome di Trento e Bolzano, kahit ang pagpunta sa ikalawang tahanan.
Sa December 25, 26 at January 1 ay ipinagbabawal ang pagbibiyahe o pagpunta sa ibang Comune.
Isang mahigpit na rekomendasyon, ayon kay Conte ang huwag tumanggap ng mga taong hindi kasama sa bahay o ‘non conviventi’, partikular sa mga okasyong nabanggit. “Ang pag-iingat ay mahalaga upang maprotektahan ang ating mga mahal sa buhay”, aniya.
Nananatili ang curfew sa buong bansa at ipinagbabawal ang anumang dahilan ng paglabas ng bahay (maliban sa mga pinahihintulutan) mula 10pm hanggang 5am.
Sa December 31 ay ipinagbabawal din paglabas ng bahay mula 10pm hanggang 7am.
Nananatiling ang mga dahilan ng trabaho, pangangailangan at kalusugan ang pinahihintulutan.
Ang pagbalik o pag-uwi sa Comune kung saan residente pati ang pagbalik sa bahay kung saan palaging naninirahan ay may pahintulot din.
Sa mga Italians nasa labas ng Italya mula December 21 hanggang January 6, ay kailangang sumailalim sa quarantine pagbalik sa Italya. Ito ay balido din para sa mga dayuhang turista na papasok sa bansa sa nabanggit na petsa.
Ang mga ski resorts ay mananatiling sarado hanggang January 6.
Simula December 21 hanggang January 6 ay suspendido din ang mga departure, stop over at arrival ng mga cruise sa mga Italian ports.
Sa January 7 ay magtatapos ang DAD Didattica a Distanza at babalik sa mga paaralan ang 75% ng mga mag-aaral ng Scuola Superiore.
BAR at mga RESTAURANTS
Area GIALLA
Ang mga bar, restaurants, pizzeria at iba pa ay bukas sa publiko mula 5am hanggang 6pm araw-araw.
Bawat table ay maaaring manatili ang hanggang 4 na katao lamang kung hindi ‘conviventi’.
Mula 6pm ay ipinagbabawal ang consumption sa mga lugar na nabanggit at bawal din ang consumption sa kalsada.
Area ARANCIONE at Area ROSSA
Sa mga zona arancioni at rosse, ang mga bar, restaurants at iba pa ay mananatiling bukas mula 5am hanggang 10pm para sa take out lamang. Ang deliveries ay pinahihintulutan.
Ang mga hotels ay mananatiling bukas sa buong Italya, ngunit sa Capodanno (dec. 31) ay ipinagbabawal ang anumang ‘veglioni’ e cene o noche buena at dinner. Ang mga restaurants sa loob ng mga hotels ay magsasara ng 6pm.
Simula Dec 4 hanggang Jan 6, ang mga shops ay mananatiling bukas hanggang 9pm sa buong bansa.
Samantala, simula Dec 4 hanggang January 15, tuwing weekends ang mga malls o centri commerciali ay sarado at mananatiling bukas lamang ang mga pharmacies, markets, nespaper stands, tobacco shops.
Iba ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong taon kumpara sa ibang taon, at ang daan upang makalabas mula sa emerhensyang hatid ng Covid19 ay unti-unti pa lamang ginagawa at kailangang maghintay at magtiis hanggang sa susunod na taon, sa pagdating ng bakuna”, Conte.
(PGA)