Naging mabilis ang pagsasabatas ng Decreto Ristori. Ito ay inilathala na sa Official Gazette 28 ottobre 2020, n. 137 tulad ng ipinangako ni Italian Prime Minister Giuseppe Conte matapos ang kabi-kabilang protesta sa buong bansa mula sa hanay ng mga commercial activities na higit na apektado ng pinakahuling DPCM.
Ang dekreto ay naglalaan ng 5 bilyong euro para sa mga businesses, VAT numbers, restaurants, bars, gyms, pools, cinemas, theaters and discos.
Ang tulong pinansyal at bonus ay matatanggap simula November 15 direkta sa mga bank accounts ng mga beneficiaries. Hindi na rin umano kakailanganin pa ang mag-aplay muli para matanggap ang tulong ng gobyerno, kung nakatanggap na ng ayuda sa first wave.
Narito ang nilalaman ng Decreto Ristori
- Contributo a fondo perduto – Non-repayable grant. Ito ang ‘puso’ ng decreto Ristori kung saan nakalaan ang halos kalahati ng nakalaang pondo ng 5 bilyong euros. Pinili ng gobyerno ni Conte na hatiin ang mga benepisyaryo sa mga kategorya at batay sa aktibidad, ang kontribusyon ay nag-iiba: mula 100% hanggang 400%, hanggang sa maximum na 150,000 euro. – 100% para sa mga gelateria (ice cream house), pastry shop (Pasticceria) at bar na walang kusina;- 150% para sa mga restaurants, farms at hotel;- 200% para sa catering, pool, gym, cinemas at theaters; – 400% para sa mga discos, dance hall at iba pa.
- IMU payment, kanselado. Kanselado ang ikalawang payment ng IMU na dapat sa na ay babayaran hanggang December 16, 2020.
- Sospesi i pignoramenti prima casa o Foreclosure ng mga First home ay suspendido din. Suspendido ang pignoramenti prima casa ng 6 na buwan o hanggang May 29, 2021.
- Extension ng Cassa Integrazione – Ang mga employers na magbabawas ng oras ng trabaho o pansamantalang magsasara dahil sa emerhensya ay maaaring mag-aplay ng Cassa Integrazione para sa mga empleyado nito hanggang karagdagang 6 na linggo.
- Extension ng submission ng 770 – Extended ang submisssion ng modello 770 para sa taong 2019 hanggang December 10, 2020.
- Compensation para sa mga seasonal workers sa sektor ng turismo, spa at entertainment. Bonus ng € 1000 para sa mga workers ng nabanggit na kategorya.
- Reddito di Emergenza – Para sa mga nakatanggap na ng benepisyo sa mga buwang nakaraan, kinumpirma ng DL Ristori ang Reddito di Emergenza ng karagdagang 2 buwan. Ang benepisyo ng € 800 para sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.
- Suspendido din ang pagbabayad ng contributi previdenziali na dapat bayaran sa buwan ng Nobyembre 2020 at maaaring bayaran hanggang March 16, 2021 ng walang interes hanggang 4 na hulog.
- Sport. Ang sektor ng sport, partikular ang non-professional ay isa sa higit na apektado ng huling DPCM. Ang mga gym at pools ay sarado. Karagdagang tulong ang nasasaad sa DL Ristori, bukod pa sa tulong na nasasaad sa decreto Cura Italia at DL Rilancio na nagkakahalaga ng € 600. Ito ay itinaas sa € 800.
Para matanggap ang mga benepisyong nasasaad sa Decreto Ristori ay kinakailangang maghintay hanggang kalahatian ng Nobyembre 2020.
Narito ang buong teksto na binubuo ng 35 artikolo. (PGA)