in

Decreto salva Italia: Ibinalik ang buwis sa unang tahanan.

Mula 2012 ay babayaran ang IMU, ngunit mayroon ding mga reporma sa pensyon at pagtaas ng VAT . Narito ang mga pangunahing operasyon (manovra) sa ekonomiya ng gobyerno Monti .

altRome – “Kung nais ninyo, maaari itong tawaging Dekreto sa pagsalba sa Italya (decreto salva Italia). Ang Punong Ministro at Ministro ng Ekonomiya na si Mario Monti ay inilatag sa mga mamamahayag ang bagong mga panukala sa ekonomiya na sususbukang gamitin ng pamahalaan upang isaayos ang kaban ng bayan at ibalik ang kredibilidada ng Italya sa internasyonal na merkado.

Ang manovra ay nagkakahalaga ng € 30 billion, 12 billion nito ay nagmula sa pagtatanggal sa mga public expenses, 18 billion mula sa mga bagong taxes ngunit dapat pa ring dumaan sa Parliament na maaaring baguhin ang mga ito. Narito ang mga pangunahing pagbabago.

Ang operasyon na maaaring magbigay ng pinakamalaking epekto sa 2012 ay ang pagbalik ng buwis sa unang tahanan, na tinanggal ng nakaraang pamahalaan. Ito ay tatawaging  imposta municipale unica, Imu, at ito ay katumbas ng 0.4% ng tinatawag na “halagang kadastre”, itinaas sa 5% at ini-multiply sa 160 (ang lumang “imposta comunale sugli immobili” ay inimu-multiply sa 100).
 

Gayunpaman, ito ay isang reduction ng 200 euro, kaya kung halimbawa ang IMU ay 300 €, ay dapat magbayad lamang ng 100. Para sa iba pang mga bahay,  ang IMU ay 0.76%. Ang mga Munisipyo ay maaari pa ring taasan o babaan ang IMU ng 0.2% sa unang bahay at ng 0.3% sa iba pang mga bahay.

Isa pa rin sa operasyon ang reporma sa pensyon. Mula Enero 1, ang pinakamababang edad para lisanin ang trabaho ay tumaas sa edad na 66 taon para sa mga kalalakihan at 62 para sa mga kababaihan. Maaari ring mag-retire ang mga kalalakihan na naghulog ng kontribusyon sa loob ng 42 taon at isang buwan o ang mga kababaihan naman na naghulog ng kontribusyon sa loob ng 41 taon at isang buwan, ngunit kung iiwanan ang trabaho bago ang pagsapit ng edad na itinalaga ay maaapektuhan ang mga ito.

Isinasaad  rin na mula sa 2012 ay mapapalitan na ang sistema ng pagbabayad, at para sa mga trabahador na mas matanda ay kinakalkula ang pensiyon na batay sa huling suweldong natanggap. Ang lahat ay ibabase sa sistema ng kontribusyon, kung saan kinakalkula ang pensiyon batay sa halaga ng mga binayarang kontribusyon.Bilang  panghuli, para sa susunod na dalawang taon, ay ihihinto ang adjustment ng mga pensyon batay sa  inflation, maliban lamang para sa mga hindi lalampas sa 950 euros bawat buwan.

Magmula Set 2012 ay maaaring magkaroon ng karagdagang pagtaas sa VAT, ang halagang idinagdag sa buwis na makakaapekto sa pagkonsumo,  na tataas ng dalawang puntos (ngayon, depende sa produktong binili na maaaring  10 o 21%). Ang pagpapatupad nito ay hindi  awtomatiko at ito ay magsisimula, ayon sa pangako ng gobyerno, “kung kinakailangan lamang”.
 

Apektado ng buwis ang mga mayayaman sa luxury cars (na may lakas na 170 HP), bangka, pribadong eroplano at helicopters, pati na rin ang isang multa ng 1, 5% ng kapital ng mga iligal na in-export mula sa ibang bansa at ibinalik sa Italya sa mga sumunod na taon at ginamit ang tinatawag na scudo fiscale”. Ang iba pang amount ay mula sa isang bagong buwis ng mga stock, Bonds, debentures at iba pang pinansiyal na mga produkto tulad ng life insurance.

Upang labanan ang hindi pagbabayad ng buwis at magbigay sa gobyerno ng  higit na kontrol sa mga  pagdadaanan ng salapi,  ay binababaan sa 1000 € ang maximum amount na maaaring bayaran ng cash. Ito ay maghahatid sa pagbabayad ng mga credit cards at mga bank accounts.

Upang mapalakas ang trabaho, may mga tax break para sa mga kumpanyang kukuha ng empleyado, at ang mga buwis sa produktibong aktibidad (IRAP) ay gagamitin upang pondohan ang mga panukala para sa mga kababaihan at kabataan. Iba pang mga panukalang isusulong ay tulad ng pagbebenta ng mga gamot class C (ang mga may reseta ngunit hindi ire-reimbursed ng National Health Service) sa mga parapharmacies at hypermarkets.

Ang dekreto ay  naglalayon ding magtanggal ng mga gastusin sa politika. Ito, halimbawa, ay ang pag-aalis ng assessors at pagbabawas ng mga counsillors sa probinsya, pagbabawas ng mga bahagi ng iba’t-ibang mga awtoridad at mga komisyon, at pag-aalis ng reimbursements sa mga inihalal na konseho sa distrito. Si Monti mismo ay isang magandang halimbawa: “Kami ay humihingi sa mga mamamayan ng sakripisyo at bilang parte ko, na sa palagay ko ay isang obligasyon, bilang isang indibidwal, ay aking tinatanggihan ang mga kabayaran bilang Punong Ministro at bilang Ministro ng Ekonomiya.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sapilitang pinabibili ng Poste Mobile Sim card sa renewal ng permit to stay, 9 inaresto!

Codacons: 75% ng mga migrante, nahihirapang ipaliwanag ang nararamdaman sa mga doktor